• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alden at Gabbi, hinirang na Best Actor at Best Actress

MALAPIT nang manganak sa kanyang third baby si Andi Eigenmann.

 

 

Sa kanyang latest post sa social media, nilantad ni Andi ang kanyang nine month baby bump. Excited ang aktres dahil baby boy ang isisilang niya ngayong 2021.

 

 

“And just like that, I’m at 36 weeks!! Holiday festivities kept us busy, since we wanted to make sure to make this Christmas as special as we could, for the kids. But as the year ends, I suddenly realise my pregnancy is too! 

 

 

“Along with welcoming 2021, we will also be welcoming another member of the fam, this time, a little happy island boy. Nothing has been the same, comparing my previous pregnancy to this one. 

 

 

“No weekly bumpdates, no cool maternity shoot, no interesting/funny preggy stories, no shopping too early, and for baby stuff we don’t need (lol)! (Maybe because it’s baby # 3??)

 

 

“This time has been different in so many other ways, but it doesn’t mean we aren’t any less excited because boy, are we thrilled!

 

 

“And we are sure to love our little boy just as much as we love our girls!” caption ni Andi sa IG post.

 

 

August 2020 nang i-reveal ni Andi na buntis siya ulit sa second baby nila ng fiance na si Philmar Alipayo.

 

 

***

 

 

HUMAKOT ng maraming parangal ang mga Kapuso stars sa 7th Urduja Heritage Film Awards 2020.

 

 

Nagwaging Best Actor si Alden Richards para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye kunsaan gumanap siya bilang isang OFW sa Hong Kong.

 

 

Si Gabbi Garcia naman ang hinirang na Best Actress para sa pelikulang Last Song Syndrome (LSS) kunsaan katambal niya ang Real life boyfriend na si Khalil Ramos.

 

 

Best New Lead Actor naman si Royce Cabrera para sa pelikulang Fuccbois.

 

 

Wagi naman ni Kelvin Miranda bilang Best Young Actor para sa thriller film na Dead Kids, ang first Netflix original feature mula sa Pilipinas.

 

 

Si Therese Malvar naman ang nanalong Best Young Actress para sa drama film na Distance.

 

 

***

 

ANG Filipino-Canadian voice actor na si Eric Bauza ang magbibigay ng boses sa ilang iconic Looney Tunes character sa sequel ng pelikulang Space Jam.

 

 

Pinalabas ang Space Jam noong 1996 at bida rito si Michael Jordan na kinidnap nila Bugs Bunny, Sylvester, Porky Pig at Daffy Duck para labanan ang mga aliens na gustong sakupin ang Looney Tunes World.

 

 

Sa sequel na Space Jam: A New Legacy, ang bida ay si NBA star LeBron James.

 

 

Si Bauza ang naatasan na magboses sa ilang Looney Tunes characters tulad nila Bugs Bunny, Daffy Duck, Marvin the Martian, Tweety Bird and Pepe Le Pew.

 

 

Lumaki sa Toronto, Canada ang 41-year old na si Bauza at naka-base siya ngayon sa Los Angeles. Big fan siya ni Mel Blanc, ang original voice actor sa likod ng mga iconic Looney Tunes characters.

 

 

“A dream come true! It was just a lifelong admiration of Mel Blanc and the work that he left behind you know 80 years later were still talking about his performance and what made Bugs Bunny Bugs Bunny,” sey ni Bauza.

 

 

Bukod sa pagiging voice actor, isa rin siyang stand-up comedian, brief late-night host, and animation artist. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Gun ban violators, pumalo na sa higit 2.3-K – Comelec

    PUMALO  na sa mahigit 2,300 ang bilang ng mga lumabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban.     Ayon sa Philippine National Police (PNP) kabuuang 2,313 na katao na ang lumabag sa nationwide election gun ban ng komisyon.     Nasa 2,249 ng mga violators ay sibilyan, 40 ang security guards, 14 ang police […]

  • 24-HOUR CURFEW SA MINORS, IPINATUPAD MULI SA NAVOTAS

    DAHIL sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease, inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na ipatutupad muli ang 24 na oras na curfew para sa mga menor de edad.     Ayon kay Mayor Toby Tiangco, noong July 17, iniulat ng COVIDKAYA na ang Navotas ay nakapagtala ng 105.06% 2-week growth rate ng COVID cases, […]

  • “Magkaisa po tayo at huwag tumigil sa pagsisikap. Gawin natin ang nararapat isagawa upang pagyamanin ang mga pamanang naiwan ni Gat Marcelo H. del Pilar” – Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS – “Magkaisa po tayo at huwag tumigil sa pagsisikap. Gawin natin ang nararapat isagawa upang pagyamanin ang mga pamanang naiwan ni Gat Marcelo H. del Pilar upang magsilbi itong tanglaw at gabay ng mga susunod pang henerasyon.”     Ito ang tinuran ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga dumalo sa Paggunita […]