Alden at Jasmine, kinakiligan at pinuri ang chemistry
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
THANKFUL ang GMA Entertainment Group dahil nagustuhan ng mga televiewers ang bagong handog nilang drama anthology na I Can See You na ang pilot episode ay ang “Love On The Balcony” na nagtatampok kina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Pancho Magno with Shyr Valdez and Denise Barbacena, sa direksyon ni LA Madridejos.
Weekly series ang I Can See You at naging top trending topic nationwide nang mag-premiere sila last Monday, September 28, at pinasok ng maraming TVCs. Sa mga tweets ng mga netizens, pinuri nila ang chemistry nina Alden at Jasmine sa love story nina Gio (Alden) at Lea (Jasmine).
Nakakakilig daw at nakaka-good vibes ang romcom na tumalakay sa pagiging nurse na frontliner si Lea na na-in love sa kanya ang wedding videographer na si Gio, na tamang- tama sa pandemic na pinagdaraanan natin ngayon. Pero may nakaraan pala si Gio at ito ang magbibigay ng drama sa story.
Ngayong Friday evening na ang finale ng episode. Mapapasaya ba ni Lea si Gio sa pinagdaraanan nitong kalungkutan?
Napapanood ito pagkatapos ng Encantadia sa GMA Network.
*****
MARAMING natuwa nang mag- post na si Kapuso actor Gabby Concepcion na clean-cut na siya, ‘di tulad noong mga posts niya sa Instagram niya na nasa vacation house siya sa Lobo, Batangas.
Nasa Manila na siya dahil pangungunahan ni Gabby ang #GrandGathering2020 ng #PLDTGabay Guro2020 na magaganap sa October 3, 3:00 PM.
Si Gabby ang magbibigay ng updates. Kailangan lamang mag- register ng mga guro gamit ang Gabay Guro App or visit https:// platform.gabayguro.com/registration/2020.
Ilan pang magpapasaya sa mga guro sina Regine Velasquez-Alcasid na siyang umawit ng theme song, with Martin Nievera, Pops Fernandez, Bea Alonzo, Ian Veneracion, Ella Cruz, Rayver and Rodjun Cruz and more special guests.
*****
DATI pala, naging insecure si Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia dahil sa kanyang skin color, ang pagiging morena.
Inamin ito ni Gabbi sa kanyang YouTube vlog.
“Kasi noong high school ako, parang… I didn’t care that much about skin color. Parang, wala lang siya sa akin. Tapos nung pumasok na ako sa showbiz, doon ko talaga na-figure out na in the industry, maraming mga sinasabi, or people who are gonna say na ‘alam mo, kailangan mo magpaputi, para makakuha ka ng ganito’ or ‘kailangan mas okey kapag maputi ka.”
Pero mas natutunan daw ni Gabbi na mahalin ang sarili niya.
“Doon ko na-realize the importance of loving yourself and your skin color, na hindi ka magpapa- sway sa ibang tao.”
And it seems, ang kanyang skin color ang nagustuhan kay Gabbi sa abroad as endorser ng iba’t ibang products kaya nga tinawag siyang ‘Global Endorser’ at ito ang nagdala sa kanya sa iba’t ibang lugar sa ibang bansa bilang brand ambassador.
Sa ngayon, patuloy na napapanood si Gabbi sa rerun ng Encantadia, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7, at every Sunday, as one of the hosts and performer sa nagbalik-TV nang All-Out Sundays at 12:00 noon. (NORA V. CALDERON)
-
Last full cabinet meeting, isasagawa ni Pangulong Duterte – Palasyo
ISASAGAWA na ngayon ang huling full cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito bumaba sa puwesto. Pero hindi naman kinumpirma ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Chief at Acting Spokesperson Martin Andanar kung anong oras ang cabinet meeting. Kung maalala, madalas isinasagawa ni Pangulong Duterte ang pagpupulong sa gabi. […]
-
Unemployment bumaba noong Marso – PSA
BAHAGYANG bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa. Sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Office (PSA), naitala sa 4.7% ang unemployment rate nitong Marso, mas mababa sa 4.8% noong Pebrero ng 2023 at 5.8% na naitala ng kaparehong buwan noong 2022. Ayon […]
-
Piolo Pascual, nag-donate ng 100 bisikleta sa Naga City
Nag-donate ng 100 mga bisikleta si Piolo Pascual sa lungsod ng Naga. Sa inilabas na impormasyon ni Naga City Mayor Nelson Legacion, nabatid na ito ay kaugnay ng proyekto ni Gretchen Ho na “Donate a Bike, Save a Job”. Layunin aniya ng naturang kampanya na makatulong sa transportasyon at hanapbuhay kung saan naipamahagi […]