ALDEN at JOHN LLOYD, parehong wini-wish na magkasama sa isang project; DENNIS, willing maging kontrabida ng bagong Kapuso
- Published on November 13, 2021
- by @peoplesbalita
MUKHANG wala pa ring balak si Kapuso actress LJ Reyes na bumalik ng Pilipinas, lalo pa at mukhang nagagamay na ang mga kasama niyang anak na sina Aki at Summer.
Sinubukan siyang kausapin noon ng father ni Aki (Paulo Avelino) na kung uuwi sila ng bansa, pwedeng mag-stay sa kanilang bahay sa Baguio ang mag-iina, pero she didn’t buy the offer. Wala namang paramdam man lamang si Paolo Contis, ang tatay ni Summer, tungkol sa kanila.
Nalilibang na si LJ sa pag-aalaga sa mga anak, lalo na at magiging teenager na si Aki at naiintindihan na raw nito ang mga pinag-uusapan nila at si Summer ay mukhang ini-enjoy na ang bago nilang kapaligiran.
Tumutulong din kasi si LJ sa business ng mommy niya, a café bar, sa New York at very soon ay baka ituloy na rin niya ang business niya na tungkol sa mga beauty products.
Bago umalis ng bansa, katatapos lamang mag-renew ng contract niya si LJ sa GMA Network at hindi kataka-taka kung one day ay maisipan na ring bumalik ng mag-iina rito.
***
KAHAPON ang finale episode ng cultural drama series na Legal Wives ni Kapuso Drama actor Dennis Trillo, with ‘wives’ Alice Dixson, Andrea Torres and Bianca Umali.
Kaya si Dennis, ay gusto namang makagawa ng isang romantic comedy project, o isang naiiba namang role, like iyong siya naman ang antagonist.
“Gusto ko namang ako ang kinamumuhian ng mga taong manonood sa akin,” sabi ni Dennis sa interview sa pagtatapos ng kanilang serye.
“Gusto ko rin namang baguhin iyong mga usual roles na ipinagagawa sa akin. Iyong magpakita ako ng bago na magiging interested pa rin ang viewers na panoorin ako.”
At since isa na ring Kapuso ngayon ang actor na si John Lloyd Cruz, nagpaabot si Dennis ng message na willing siyang maging kontrabida ni Lloydie sa future project nito sa GMA.
Dati na silang magkasama noon ni Lloydie sa ABS-CBN pero hindi naman nagtagal doon si Dennis kaya hindi sila nagkaroon ng chance na magkatrabaho.
***
NAGING open noon pa si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, na fan siya ng loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, kahit magkaiba sila ng network.
Gumawa pa noon ng paraan si Alden na ma-meet niya nang personal ang mga idols niya, at makasama sila sa isang informal dinner. Kaya naman nang magkasama na sina Alden at Bea sa TVC shoot sa Thailand ng isang shampoo commercial, palagay na ang loob niya sa actress.
Very soon nga ay magkakasama na sila sa isang movie ni Bea na ipu-produce ng Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.
Nang magbigay naman ng welcome message si Alden nang mag-sign ng contract si JLC sa paglipat sa GMA, ipinaabot niya ang wish niyang magkasama sila nito sa isang project.
Sinagot naman din agad ito ni JLC na sana nga ay magkasama sila sa isang project sa GMA ni Alden.
(NORA V. CALDERON)
-
Magnitude 7.3 na lindol yumanig sa Japan; tsunami advisory inilabas
NIYANIG nang malakas ang kabisera ng Tokyo matapos na tamaan ng magnitude 7.3 na lindol ang silangang bahagi ng Japan kagabi na nag-udyok naman ng tsunami advisory para sa ilang bahagi ng northeast coast ng bansa. Ayon sa Japan Meteorological Agency, sa baybayin ng Fukushima region nakasentro ang lindol na may lalim na […]
-
DOT, tinitingnan ang ‘direct flights’ mula Brunei capital patungong Cebu, Clark
TINITINGNAN ng Department of Tourism (DOT) na magkaroon ng direct flights mula Bandar Seri Begawan patungo sa ibang lugar sa Pilipinas at hindi lamang sa kabisera nito na Maynila. Sa sidelines ng Philippine Business Forum sa Berkshire Hall, Royal Brunei Polo and Riding Club, sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco na pinag-aaralan ng […]
-
3-week extension ng voters’ registration masyadong maiksi – solon
Masyadong maiksi ang tatlong linggo na extension ng Comelec para sa voters registration, ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman. Kung ang Section 8 ng Republic Act No. 8189 o Voters’ Registration Act kasi ang pagbabasehan, sinabi ni Lagman na hanggang January 8, 2022 pa maaring tumanggap ang poll body ng mga magpaparehistro para […]