• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALDEN, maagang nag-celebrate ng Father’s Day kasama si Daddy Bae dahil balik-lock-in taping na sila

TODAY, June 18, balik-lock-in taping si Alden Richards at buong cast ng upcoming GMA Primetime drama series na The World Between Us.

 

 

Kaya naman maagang nag-celebrate ng Father’s Day ang mag-amang Richard Faulkersons, kahit sa Sunday, June 20 pa ang araw ng mga ama.

 

 

Kaya si Alden in between ng mga TVC commercial shoot, tinawagan ang daddy niya at pinapunta sa kanyang condominium unit. Nasorpresa si Daddy Bae nang sa pagdating niya, napakaraming cakes at may balloons pa siyang dinatnan doon. Iyon pala katatapos lamang ni Alden i-shoot ang mga cakes from Conti’s na ini-endorse niya for Father’s Day occasion.

 

 

Masaya at matagal na nagkausap ang mag-ama. Natuwa si Alden na isang ‘Tiktok influencer’ na pala si Daddy Bae, na naikukuwento lamang sa kanya, since hindi raw niya napapanood dahil wala siyang Tiktok account.

 

 

Sana raw ay patuloy na i-follow ng mga fans niya ang Tiktok at Instagram accounts ng ama.

 

 

Magiging busy na naman sina Alden sa lock-in taping ng The World Between Us,  na may ipinakikita nang nakakakilig na teaser nina Alden at Jasmine Curtis Smith kaya marami na ang nagtatanong na netizens kung ano ang mga roles na gagampanan nina Alden, Jasmine, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie, Ms. Jaclyn Jose, Glydel Mercado at sinu-sino pa ang bubuo sa cast?

 

 

Directed by Dominic Zapata, this July, mapapanood na ang The World Betweeen Us, pagkatapos ng 24 Oras.

 

 

***

 

 

TONIGHT na ang finale episode ng romantic-comedy series na Heartful Cafe nina Julie Anne Santos at David Licauco.

 

 

Thankful ang mga fans ni Julie Anne nang maging dual role pa ang character niya.  Bukod sa original character niyang si Heart Fulgencio, naging si Destiny Hope pa siya, bilang ang gaganap sa character ng novel na sinulat niya at ididirek naman ni Uno (EA Guzman), ang dating boyfriend na nagbabalik muli kay Heart.

 

 

Pero late na ang pagbalik nito, dahil mukhang nabaling na ang love ni Heart kay Ace (David) na co-owner niya sa Heartfelt Cafe.

 

 

Matutupad ba ang wish ng mga netizens, na si Ace na nga ang makatuluyan ni Heart?

 

 

Abangan ang grand finale mamaya, 9:30PM, pagkatapos ng Endless Love sa GMA-7.

 

 

***

 

 

KUNG medyo nahirapan si Ken Chan sa family drama na My Special Tatay in 2018, inamin niyang mas mahirap ang role na ginampanan niya ngayon sa upcoming GMA Afternoon Prime na Ang Dalawang Ikaw.     Nakaramdam daw siya ng mixed emotions nang unang matanggap ang offer ng GMA, na siya ang gaganap sa role.

 

 

     “As Boyet po sa My Special Tatay, isa po akong may mild intellectual disability, dito sa Ang Dalawang Ikaw mayroon naman akong split personality,” wika ni Ken.

 

 

“Kaya para ma-achieve ko ang characters ko rito, sumailalaim ako sa masusing pagri-research, iba’t ibang workshops at consultations para malaman ko ang character ng taong may Dissociative Identity Disorder (DID). 

 

 

Bale dalawang characters ang gagampanan ko, si Nelson, ang loving husband ni Mia (Rita Daniela) at Tyler, ang gun dealer na fiancé ni Beatrice (Anna Vicente).”

 

 

Nagpasalamat din si Ken kay Dr. Babes Arcena, ang psychiatrist  na nag-guide sa kanya sa mga eksena niya during the taping para tama ang gagawin niya at tama rin ang mensahe na mapapanood ng mga viewers.

 

 

Mapapanood na simula sa Monday, June 21, ang world premiere ng Ang Dalawang Ikaw sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Eat Bulaga.      

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads July 1, 2021

  • ‘Drone Squadron’, inilunsad ng QCPD

    INILUNSAD  ng Quezon City Police District (QCPD)  sa pangunguna ni P/BGen. Nicolas Torre III, ang kanilang sari­ling ‘drone squadron’ sa Camp Karingal sa Sikatuna Village, nabatid kahapon.     Ayon kay Torre, ide-deploy nila ang mga drones upang magbigay ng seguridad sa publiko at sawatain ang kriminalidad sa lungsod.     “We will deploy drones […]

  • National Public Transportation Coalition (NPTC), itinatag

    SA unang pagkakataon ay nagsama-sama ang iba’t bang grupo sa sektor ng transportasyon upang itatag ang National Public Transport Coalition (NPTC).   Mula sa motorcycle-for-hire, tricycles, pampasaherong jeep, UV express, TNVS, taxi, at bus, trucks, at iba pang uri ng public transport, ay nagkaisang susuporta sa bawat isa pagdating sa mga issues na makakaapekto sa […]