ALDEN, pina-iyak si BETONG dahil ‘di akalain na papakyawin ang mga binebenta sa live selling
- Published on September 29, 2021
- by @peoplesbalita
MATAGAL nang kumakalat ang rumors mula sa set ng upcoming GMA Afternoon Prime na Las Hermanas, na tampok ang nagbabalik-Kapuso drama actor na si Albert Martinez, with Yasmien Kurdi, Faith da Silva at Thea Tolentino.
Nagmula raw ang rumors sa lock-in taping ng kanilang serye, between Albert and Faith.
Kaya nang mag-guest si Faith at ang isa pang Kapuso actress na si Claire Castro sa The Boobay And Tekla Show last Sunday, September 26, diretsong tinanong si Faith nina Boobay at Tekla.
Hindi na raw nagulat si Faith sa tanong dahil expected na niya iyon since sa story ay magiging partner sila ni Albert.
“Napag-usapan na namin iyon ni Albert, pero bilang mga artista, professional lamang kami sa isa’t isa at wala kaming ilanan sa pag-execute ng role, first time kong nakasama sa isang serye at thankful ako kay Albert sa pagga-guide niya sa akin sa mga eksena naming dalawa.”
Very soon, mapapanood na ang Las Hermanas sa GMA-7, after ng Eat Bulaga.
***
BUKOD sa pag-arte, pinagkakaabalahan din ngayon ni Kapuso actor-comedian Betong Sumaya ang live selling, na ibinibenta niya ang mga nabili niya noon na mga gamit like mga damit na hindi pa niya naisuot.
Pero minsan na nag-live selling ulit siya, ang laking gulat ni Betong nang may magtanong sa chat comment na may pangalan na ‘RJ Richards.’
Akala ni Betong ay prank lamang iyon pero nang magtanong ang kausap niya ng ‘magkano?’ tinanong na siya ni Betong kung si Alden Richards ba ang kausap niya.
Nagtaka siya kasi hindi iyon ang username ni Alden sa Facebook.
Pero nagbigay din ng presyo si Betong at tinaasan pa niya dahil baka nga manloloko lamang ang kausap niya, na P50 thousand, baka raw tumawad pa.
Pero napaiyak na si Betong nang malaman niyang si Alden nga ang tumawag at nagpadala na ng bayad sa kanyang account.
To think na nasa-lock-in taping pa noon si Alden ng The World Between Us, nagawa pang makipag-chat sa kanya. Isa raw talagang kaibigan si Alden, na maaasahan mo, lalo na ngayon na panahon ng pandemic.
Kaya labis ang pasasalamat niya kay Alden, malaking tulong daw sa kanya ang ginawa ng actor.
***
NAG-POST and international stage actress-singer na si Rachelle Ann Go-Spies sa kanyang IG nang isama niya ang kanyang mag-ama, sina Martin Spies and their son Lukas, nang mag-perform siya ng Les Miserables musical sa London.
Special presentation iyon na six nights nag-perform si Rachelle.
“I was able to bring my little fam to the theater! (Gielgud Theater, London). Although Lukas didn’t watch me as Fantine in Les Miz Concert because he’s still too young (and he might cry), he waited patiently backstage while his Papa Martin watched the show and for me to feed him. He met the cast too and took loads of photos,” caption ni Rachelle.
Kapansin-pansin sa photo taken by Rachelle inside the theater na nag-observe sila ng health protocols because of Covid-19. Alternately may X-sign ang mga chairs na hindi pwedeng upuan ng audience. Outside the theater may suot ding face mask si Rachelle.
Nagpasalamat si Rachelle sa lahat ng mga nanood, pero stay daw muna siya sa home nila ni Martin ngayon para alagaan si Lukas.
(NORA V. CALDERON)
-
Glen Powell rides into the eye of the storm as tornado wrangler Tyler Owens in “Twisters”
Glen Powell has always had an interest in joining the disaster thrill-ride, “Twisters,” since he caught wind of it. He’d been keeping close tabs on the project while working with Joseph Kosinski for “Top Gun: Maverick,” as Kosinski was developing the story for “Twisters.” “Joe told me what an exciting movie this was going to […]
-
Obiena asam makuha ang 6.0 meters
ANG paglundag sa six meters ang inaasam pa ring makuha ni World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena. Ito kasi ang laging tinatalon ni World No. 1 at Olympic Games gold medalist Armand Duplantis ng Sweden. Sa ilang ulit nilang paghaharap ay isang beses lamang tinalo ni Obiena si Duplantis […]
-
2 kelot kulong sa sugal, mga bala at shabu sa Valenzuela
SWAK sa selda ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto sa sugal at paglalaro ng bala sa Valenzuela City. Sa report ni PSSg Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang mga tauhan ni Malinta Police Sub-Station 4 Commander […]