• April 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALDEN, thankful na kabila ng pandemya ay tinatangkilik pa rin ang food chain; maraming natutuwa ‘pag nakikitang nagsi-serve

CONGRATULATIONS kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards at sa kanyang staff ng food chain na Binan McDonalds na nag-celebrate ng ng second anniversary last Tuesday, April 27. 

 

 

Thankful si Alden na sa kabila ng pinagdaraanan nating pandemic, patuloy pa rin ang pagtangkilik ng mga customers sa kanila.

 

 

Nagtayo kasi sila ng Alfresco dining area sa labas ng main store, as required, at malakas din ang kanilang take-out order and deliveries kaya si Alden, tumulong na rin sa pagtanggap ng orders at siya ang personal na nag-aabot nito sa mga customers, na siyempre, natuwa nang makitang siya mismo ang nagsi-serve sa kanila.

 

 

Last April 24, isa rin si Alden sa tumanggap ng award mula sa “Ako Ay Filipino” benefit show ng fashion designer na si Arielle Agasang, a tribute to the Most Influential Personalities of the Year 2020/2021.

 

 

***

 

 

NAGPASALAMAT si Sen. Bong Revilla sa GMA Network na binigyan siya muli ng chance na makabalik sa TV, sa pamamagitan ng action-fantasy series na Agimat ng Agila. 

 

 

Five years din kasing hindi naka-arte si Bong sa harap ng camera, “and I’m glad na ginastusan ng GMA ang comeback vehicle ko.  Nagpapasalamat din ako na tinanggap ni Direk Rico Gutierrez ang serye na punung-puno ng action at fantasy scenes with state-of-the-art special effects.”

 

 

Sa Saturday, May 1 na magsisimula ang airing ng Agimat ng Agila at bilang pampabuenas at pasasalamat ni Bong, magkakaroon siya ng Facebook Live show na tinawag niyang “Amazing Giveaways.”

 

 

“Sama-sama nating salubungin ang paglipad ng Agimat ng Agila sa pamamagitan ng mga biyaya at papremyo.  Huwag magpahuli at tumutok sa ating Facebook Live, sa Sabado, 5:00PM.”

 

 

Ganap namang mapapanood ang serye at 7:15PM, kaya pansamantala munang hindi mapapanood ang pasiklaban at world-class performances sa reality-talent show ng GMA na Catch Me Out Philippines, simula May 1, pero huwag malungkot ang sumusubaybay sa show dahil nakatakda rin silang magbalik-telebisyon sa mas matitinding performances.

 

 

***

 

 

MAY mga netizens na ring medyo hindi na gusto ang araw-araw na publicity sa social media kina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

 

 

Si Andrea Torres naman tahimik lamang at halos ayaw mag-comment.

 

 

Nakatulong kaya kay Andrea na naging busy siya sa lock-in taping ng bago niyang cultural drama series na Legal Wives with Dennis Trillo, Alice Dixson and Bianca Umali?  At naka-move on na ba siya?

 

 

     “Basta nag-focus lang ako sa sarili ko,” nakangiting sagot ni Andrea sa isang interview.

 

 

“Siguro, naka-discover din ako ng mga bagay na hindi ko pa na-try dati. Sabi ko nga dapat mag-discover tayo ng bago na pwede nating gawin.”

 

 

Pero inamin ni Andrea na hindi pa siya ready to fall in love again.

 

 

“Ako kasi, kapag in a relationship, all out ako. So kapag dumating na sa point na kumalas na ako, alam ko sa sarili ko na nasagad ko na. Kaya binibigyan ko ng time ang sarili ko para maging mag-isa muna, to heal fully. Para kapag dumating yung next, all out na ulit ako.”

 

 

Sayang nga lamang na may pandemic pa tayo ngayon, isa kasi sa hilig ni Andrea ang mag-travel, na mahirap ngayong gawin dahil maraming bawal. Kapag pwede na raw, gusto niyang pumunta sa Europe.

 

 

Very soon ay ipalalabas na sa GMA Telebabad ang Legal Wives na dinirek ni Zig Dulay, ang gumawa rin ng cultural drama series na Sahaya ni Bianca Umali. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads October 12, 2022

  • PULIS NA BUMARIL SA MAG-INANG GREGORIO SA TARLAC, MABUBULOK SA KULUNGAN

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine National Police (PNP) na siguraduhing nakakulong si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca at hindi makalalabas dahil ang nagawa nito ay ‘serious offense’, mabubulok ito sa kulungan. Binaril ni Nuezca  nang tig- dalawang beses ang mag-inang Sonya Rufino Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Rufino Gregorio, sa […]

  • Personal trip’ ng chief of staff ng OVP, aprubado ni VP Sara

    APRUBADO ni Vice President Sara Duterte ang ‘personal trip’ ng kanyang chief of staff na si Undersecretary Zuleika Lopez at pagbabalik sa kalagitnaan ng Nobyembre.     Ayon sa Office of the Vice President (OVP), ang pagbyahe ni Lopez sa ibang bansa ay mula November 4 hanggang 16, 2024.     “The OVP Chief of […]