• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alegasyon ng transport group, Land Bank ayaw mag release ng fuel subsidy

BINATIKOS ng ilang grupo ng transportasyon ang pahirapang pagkuha ng kanilang fuel subsidy mula sa Land Bank of the Philippines (LBP).

 

 

 

Ayon sa grupo na ayaw magbigay ng fuel subsidy ang LBP dahil sa election spending ban.

 

 

 

Sinabi ni Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) president Melencio Vargas na siya mismo ang nakaranas ng ganon situasyon ng samahan niya ang isa niyang miyembro sa LBP upang kunin ang cash card.

 

 

 

“The main branch of LBP knew that the fuel subsidy is exempted from the Commission on Elections election ban, but many of its branches were not aware,” wika ni Vargas.

 

 

 

Kung kayat sinabi ni Vargas na plano ng grupo nila na makipagusap kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III upang malaman niya ang kanilang hinaing tungkol dito.

 

 

 

“We expect more drivers will have the same experience, just like our member, when personnel from LBP refused to issue his cash card due to the election ban,” dagdag ni Vargas.

 

 

 

Hinaing ni Vargas na hindi dapat maging dahilan ang LBP upang hindi nila matanggap ang kanilang fuel subsidy na siyang nakakalala ng kanilang paghihirap dahil na rin sa nakaambang muling pagtaas ng presyo ng krudo ng mas mataas pa sa P2 kada litro.

 

 

 

Naghihintay na lamang sila sa gagawing hearing para sa kanilang petisyon sa darating na September 26. Umaasa ang kanilang grupo na papayagan ng LTFRB ang kanilang petisyon para sa P1 provisional fare.

 

 

 

Tinatawagan rin nila ang pamahalaan na tanggalin na ang oil deregulation law na ayon sa kanila ay siyang sanhi ng walang katapusan pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

 

 

 

Sinimulan ng LTFRB ang pamimigay ng fuel subsidy noong September 12. May 1.3 million na beneficiaries ang makakatangap ng fuel subsidy sa pamamagitan ng e-wallet accounts, bank accounts at fuel subsidy cards.

 

 

 

Inaasahan ng pamahalaan na makakatulong ang fuel subsidy na mabawasan ang epekto ng tuloy-tuloy na pagtaas ng pump prices sa mga nakaraang sunod-sunod na linggo.  LASACMAR

Other News
  • Ads November 15, 2022

  • Kaabang-abang ang mga harapan sa ‘Plataporma’: Dr. CARL, gustong tanungin si WILLIE tungkol sa role ng isang senador

    “MAKINIG sa mga tao. Gumawa ng plano. Pakinggan.”   Inihahatid ng Dr. Carl Balita Productions at ng The Manila Times ang “Plataporma with Dr. Carl E. Balita”.   Isa itong makabuluhang programa kung saan ang mga political aspirants ay mapag-uusapan ang kanilang mga plano sa pulitika para sa ikabubuti ng sambayanan at ng bansa sa […]

  • Target na ‘population protection’ sa PH hanggang Disyembre ‘di nagbabago – IATF

    Hindi umano nagbabago ang target ng IATF na population protection bago matapos ang taong kasalukuyan.     Kung maalala dating tinatawag ng pamahalaan ang salitang herd immunity kung sakaling mabakunahan na raw ang 70 na popolasyon sa Pilipinas.     Ginawa ni testing czar Vince Dizon ang pahayag na positibo pa rin sila na makakamit […]