Alert Level 0 ‘di na kailangan – DTI
- Published on March 29, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI NA kailangan ng bansa na ibaba ang COVID-19 status nito sa Alert Level 0 dahil “totally open” o bukas na ang ekonomiya, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
“Sa amin ho, hindi na kailangan mag-Alert Level 0 kasi bukas, totally open ang economy eh. Napagusapan namin sa IATF (Inter-Agency Task Force) for a while ‘yan at coming from the economic team, nakikita natin open naman ang economy,” pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez sa Super Radyo DZBB .
Aniya, ilang mga lugar na ang nasa Alert Level 1 ngayon, bumalik na rin sa 100% ang operasyon ng mga negosyo, maging ang sektor ng Turismo ay bukas na rin sa local at foreign tourists.
Kabilang sa nasa Alert Level 1 ang Metro Manila at 47 iba pang lugar mula Marso 16 hanggang Marso 31.
“Itong Alert 1, nandun na tayo. Ang pinagkaiba na lang ng Alert Level 0 ay ‘yung mask. ‘Yun na lang nakikita namin eh, so hindi na kailangan for us,” paliwanag niya.
Sinabi pa ni Lopez na hindi nila inirerekomenda ang pag-aalis ng face masks kahit patuloy na sa pagbaba ang mga bilang ng kaso ng COVID-19 infections.
-
Angara, opisyal nang uupo bilang Kalihim ng DepEd
OPISYAL nang uupo bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd) si Senador Sonny Angara. Sa isang simbolikong paghahayag sa isinagawang turnover ceremony sa DepEd Complex sa Pasig City, iniabot ni Duterte kay Angara ang ‘seal at flag’ ng departamento. “Napakalaking karangalan po ang ipinagkaloob sa atin ni Pangulong Bong Bong Marcos upang maglingkod bilang Kalihim […]
-
Super Health Center sa Navotas City
BILANG bahagi ng pagdiriwang sa ika-118 anibersaryo ng Navotas, nagsagawa ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, katuwang ang tanggapan ni Senator Bong Go, ng groundbreaking sa itatayong Super Health Center sa Brgy. NBBS Kaunlaran. Kabilang sa mga serbisyong kayang ipagkaloob ng Super Health Center ang outpatient care, pre-natal at birthing care, […]
-
NTC sa publiko: Huwag i-click ang links, magbigay ng personal data sa mga natatanggap na spam messages
Pinag-iingat ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko sa mga natatanggap na spam messages. Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgar Cabarrios, huwag na dapat buksan pa ang link na nakapaloob sa spam messages na ito. Bukod dito, hindi rin dapat magbigay ng personal data ang sinuman sa mga links na kanilang […]