Alert Level 0′ , posible kung ang COVID-19 ay magiging endemic —Densing
- Published on March 12, 2022
- by @peoplesbalita
POSIBLENG ipatupad ang “Alert Level 0” status kung idedeklarang endemic ang COVID-19 sa bansa.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III na ang alert status ay puwedeng ihatol kung ang COVID-19 ay hindi na nakakaapekto sa buong bansa.
“Ang isang importante na mangyayari ay kailangan ma-declare na endemya na itong COVID-19″ ,” ayon kay Densing.
“Kapag sinabi nating endemya na nagdeklara ibig sabihin ordinaryong sakit na lang ito na kakaharapin natin sa araw-araw at hindi na siya nakakaapekto sa buong bansa,” dagdag na pahayag nito.
Aniya, ang porsyento ng COVID-19 cases ay dapat na kahalintulad ng porsyento ng ordinaryong flu cases.
Kapag na-accomplished na aniya ang National Action Plan Phase 5 ng pamahalaan sa ilalim ng Alert Level 0, sinabi ni Densing na ang National Task Force Against COVID-19 ay awtomatikong mababasura.
Idagdag pa na ang tanging pananatilihin lamang ng pamahalaan ay ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Sa nasabing status, pangungunahan ng lokal na pamahalaan ang policy-making at management ng COVID-19 cases.
Gayunman, sinabi ni Densing na hindi pa makapagbigay ng detalye ang pamahalaan ukol sa Alert Level 0, dahil kino-kompleto pa nito ang National Action Plan Phase 5 na sakop ang economic recovery ng bansa mula COVID-19.
Bukod pa, sinabi rin nito na dapat na ipatupd ang Alert Level System dahil ang Pilipinas ay nasa ilalim ng state of calamity hanggang Setyembre12.
Araw ng Huwebes nang sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibilidad na mas lalo pang pagaanin ang COVID-19 status sa bansa at ilagay ito sa Alert Level 0. (Daris Jose)
-
Ads June 8, 2024
-
PBBM, idineklarang Special (Non-Working) Day ang Hunyo 24 dahil sa Araw ng Maynila
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Special (Non-Working) Day ang araw ng Lunes, Hunyo 24, 2024 sa Lungsod ng Maynila. Sa ipinalabas na Proclamation No. 599 na pirmado ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, na may pahintulot ni Pangulong Marcos, nakasaad dito na sa Hunyo 24, ipagdiriwang ng mga Manileno ang ika-453 […]
-
Mas maraming Pilipino ang naging obese sa panahon ng pandemya – survey
TUMAAS ang bilang ng ‘obesity’ lalong lalo na sa mga bata dahil sa Covid-19 pandemic. Base ito sa bagong survey na ginawa ng pamahalaan. Nakasaad sa 2021 Expanded National Nutrition Survey (ENNS) ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), lumalabas na ang obesity rate sa mga bata […]