Alert level 3 itinaas ng DFA sa sitwasyon sa Lebanon
- Published on October 25, 2023
- by @peoplesbalita
DAHIL sa patuloy na kuguluhan sa pagitan ng Israel at mga katabing bansa, itinaas na sa Alert level 3 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Lebanon.
Nangangahulugan ito, ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, na maaari na ang voluntary repatriation sa mga Pinoy para maiwasan na maipit sa bakbakan sa pagitan ng Hezbollah militants at tropa ng Israel.
Nauna nang ipinag-utos ng Philippine Embassy sa Beirut ang evacuation sa may 67 Pinoy na nasa southern Lebanon dahil sa mga aktibidad ng Hezbollah kung saan nagpapaulan sila ng rockets sa direksyon ng Israel habang patuloy rin naman ang pagganti nito.
Patuloy naman naghihintay sa Gaza ang mga Pinoy na makatawid sa corridor patungong Egypt at mula dito ay ligtas silang babalik sa Pilipinas.
Sinabi rin ni De Vega na sa 135 Filipino na naitala sa Gaza na pinapatakbo ng Hamas, tanging 78 lang ang nagpaplano na bumalik dito sa Pilipinas.
Samantala, dumating na rin sa bansa ang 18 OFWs mula sa Israel. (Daris Jose)
-
Sen. Kiko Pangilinan tatakbo bilang VP ni Leni Robredo sa 2022
Opisyal nang kakandidato sa pagkabise presidente para sa susunod na taon si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, sa pagkakataong ito sa ilalim ng slate ni Bise Presidente Leni Robredo na tatakbo naman sa pagkapangulo. Sinamahan si Pangilinan ni Robredo sa kanyang paghahain ng certificate of candidacy sa pagkabise sa Comelec, Biyernes, ang pinakahuling araw […]
-
TRAILER FOR “FLY ME TO THE MOON,” STARRING SCARLETT JOHANSSON AND CHANNING TATUM,” LAUNCHED
THE whole world will be watching. Watch the trailer for Fly Me to the Moon, a new comedy drama starring Scarlett Johansson and Channing Tatum, directed by Greg Berlanti. Only in cinemas July 2024. Watch the trailer: https://youtu.be/Hw3x7kaOeHk About Fly Me to the Moon Starring Scarlett Johansson and Channing Tatum, FLY ME TO THE […]
-
Mahigit P900-M na pondo inilaan ng DOTr para sa pagbuo ng 470km bike lanes sa buong bansa
PUMAPALO sa mahigit Php900-million na halaga ng pondo ang inilaan ng Department Transportation para sa plano nitong pagbuo ng mga bike lanes sa buong bansa ngayong taon. Ito ay alinsunod sa tinatarget ng ahensya na bumuo ng nasa kabuuang 470km na mga bike lanes sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na itatatag plano […]