• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alert level 3 sa NCR mananatili kung mababa sa 70% ang healthcare utilization

IREREKOMENDA ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force ang pagpapanatili sa Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR) kung patuloy na mas mababa sa 70 porsyento ang healthcare utilization rate ng rehiyon sa pagtatapos ng linggo.

 

 

Ito ang kundisyon ni Health Secretary Francisco Duque III sa magiging rekomendasyon niya sa magiging Alert Level ng NCR pagsapit ng Enero 15.ii Nitong Huwebes, nasa 58% pa lamang ang ICU occupancy at nasa 26% ang ventilator utilization.

 

 

Nasa 54% ang utili­sasyon ng isolation beds at nasa mas mataas na 66% ang utilization rate ng ward beds sa mga pagamutan.

 

 

Sinabi naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kaya pang pamahalaan ang naturang bilang ng mga kaso sa kabila na nasa higit 200% na umano ang ‘epidemic growth rate’.

 

 

Sa nakalipas na 14 na araw, pinakamataas ang kaso na naitatala sa Metro Manila na nasa 131,620 kasunod ang Calabarzon na 43,337 at Region 3, 20,039.

 

 

Sa kabila nito, naniniwala siya na pinaka aimportante pa rin ang antas ng ‘healthcare utilization’ na nananatiling nasa border ng low risk at moderate risk sa 60%. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PBBM, ipinag-uutos ang pamamahagi ng tulong sa mga sari-sari stores na apektado ng rice price cap

    IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mamahagi ng  cash assistance para sa mga  sari-sari store owners na apektado ng  price ceiling sa bigas.     Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, sinabi ng DSWD na mamamahagi ito ng cash assistance mula Setyembre  25 hanggang  29. […]

  • Dagdag sa DA budget, subsidies, pagagaanin ang impact ng inflation

    NAGPAHAYAG ng kumpiyansa ang isang mataas na lider ng Kamara na ang halos 40% increase sa badyet ng Department of Agriculture (DA) sa susunod na taon at ang patuloy na subsidiya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa bulnerableng sector, ay makakatulong para maisaayos at mapagaan ang impact ng mataas na inflation […]

  • “THE INVITATION” — HORROR TOLD FROM A FEMALE PERSPECTIVE

    EMMY-NOMINATED filmmaker Jessica M. Thompson directs Columbia Pictures’ new horror thriller The Invitation starring Nathalie Emmanuel (Game of Thrones, Fast & Furious 7 & 8).       [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/cHF2a2XZxUk]       Thompson made her feature writer-directorial debut with The Light of the Moon, which won the Audience Award for […]