Alert level system para sa Covid-19 response, ipatutupad na sa buong bansa
- Published on November 13, 2021
- by @peoplesbalita
IPATUTUPAD na sa buong bansa ang alert level system para sa Covid-19 response.
Ito’y matapos tintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 151 araw ng Nobyembre 11.
Malinaw na nakasaad sa EO na obligasyon ng estado na protektahan at itaguyod ang karapatan sa kalusugan ng mamamayan nito.
Iyon ang dahilan kaya’t kinakailangang magpatupad ang estado ng state of public health emergency sa buong bansa sa panahong may pandemya ng Covid-19.
Labis kasing nakaapekto sa buhay ng mga indibidwal at mga pamilya sa buong mundo lalo na ang mahihirap na sektor ng lipunan ang Covid-19.
Magpapatupad naman ang pamahalaan ng mga kaukulang hakbang at mga patakaran gaya ng mga community quarantine para sa kaligtasan ng nakararami.
Sa kabilang dako, nakasaad pa rin sa EO na ang pinakabagong patakaran ay ang alert level system na base sa mga data ay nagbibigay ngayon ng muling pagsigla ng ekonomiya kasabay ng patuloy na pagbibigay proteksyon sa kalusugan ng mga tao.
Dahil dito, ipatutupad na sa buong bansa ang alert level system sa ilalim ng apat na yugto.
Unang yugto na kasalukuyan nang ipinaiiral ay sa NCR, Region 3, 4a, 6, 7, 10 at 11.
Phase 2 ay sa Region 1, 8 at 12
Phase 3 ay sa Region 2, 5, at 9
At phase 4 ang CAR, Region 4b, 13, at BARMM
Samantala, nakasaad pa rin sa EO na ang paglilipat na sa phase 2 ay maaaring ipatupad anumang oras ng pagiging epektibo ng kautusang ito, o sa bisa ng pagtatakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) subalit hindi dapat lumagpas ng pagtatapos ng nobyembre 2021.
Magsisimula naman ang mga susunod na yugto kada linggo hanggang sa full nationwide implementation. (Daris Jose)
-
PBBM inaprubahan ang July 29 na pagbubukas ng klase
BILANG tugon sa mga alalahanin ng publiko ukol sa iskedyul ng mga klase, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na simulan na ang pagpapanumbalik sa school calendar ng bansa sa ‘traditional arrangement.’ Dahil dito ang pagbubukas ng klase para sa school year 2024-2025 ay magsisimula sa Hulyo 29 ngayong taon at magtatapos […]
-
Navotas namahagi ng bigas sa 91K mga pamilya
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig-limang kilogram ng bigas sa 91,000 Navoteño families bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na magbigay ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng kamakailang pananalasa ng bagyong Carina at habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha sa lungsod na nakaapekto sa kabuhayan ng marami. […]
-
Urban gardening at aquaponics project, inilunsad sa Navotas
PORMAL na inilunsad ang Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection (BFP), Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Navotas City. Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy and active lifestyle sa […]