Alex Eala, pinuri ng Malakanyang sa makasaysayang 2022 U.S. Open Junior girls’ singles tennis
- Published on September 13, 2022
- by @peoplesbalita
PINURI ng Malakanyang ang Pinay na si Alex Eala na nagwagi sa US Open girls’ singles competition laban kay Lucie Havlickova ng Czech Republic.
Lumikha kasi si Eala ng makasaysayang pagkapanalo at tinanghal bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Grand Slam singles title sa tennis sa nasabing kumpetisyon.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na binabati ng Malakanyang ang 17-year old na si Eala nang talunin nito si Havlickova sa score na 6-2, 6-4 sa kumpetisyon sa Flushing Meadows, New York nitong Sabado (Sunday, Sept. 11, Manila time).
“Mainit na pagbati kay Alex Eala, ang kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng titulo sa Junior Grand Slam Singles ng 2022 U.S. Open Championship!” ayon kay Cruz- Angeles.
“Maraming salamat sa karangalan na iyong ibinigay para sa ating bansa. Mabuhay ang atletang Pinoy,” dagdag na pahayag nito.
Ipinamalas ni Eala ang kanyang husay sa buong mundo sa simula pa lang nang laro matapos magtala ng 1-2 score sa opening set kung saan napanalunan niya ang limang laro.
Nakuha pansamantala ni Havlickova ang momentum ng laro sa pamamagitan ng 4-3 lead.
Pero nakabawi si Eala at nakontrol niya ang mga sunod na laro kung saan nakuha niya ang scores na 40-15, ang panghuli at ikasampung laro.
Naging emosyonal naman si Eala sa kanyang pagkapanalo.
“Buong puso ko itong ipinaglaban, hindi lang para sa sarili ko kundi para makatulong din ako sa kinabukasan ng Philippine tennis. So hindi lang ‘to panalo ko, panalo natin ‘to,” ayon kay Eala nang tanggapin niya ang kanyang trophy.
Unang tinalo ni Eala noong Sabado si Victoria Mboko ng Canada sa semi finals para maging unang Pilipino na nakakuha ng Grand Slam.
Nahigitan niya ang dating tagumpay ni Felix Barrientos sa semifinals ng 1985 version ng Wimbledon.
Si Eala ay anak ng dating national swimmer na si Riza Maniego.
Samantala, sinabi pa ni Cruz-Angeles na ang pagkapanalo ni Eala ay nangangahulugan ng kahalagahan ng “good program” para sa pagtrato sa mga atletang Filipino.
Sinabi pa ni Cruz-Angeles na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isusulong ang plano at hakbang ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagpapabuti ng mga polisiya nito.
“Kaya naman sa ilalim ng administrasyon ng ating Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., may mga plano at hakbang na ang PSC (Philippine Sports Commission) sa pagpapabuti ng mga polisiya bilang tugon dito,” ayon kay Cruz-Angeles. (Daris Jose)
-
Bato Dela Rosa, hinikayat na magpakatotoo ukol sa pondong ginamit sa ‘rewards system’
Hinikayat ni Quad Comm co-chair Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ng Manila si dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ibunyag ang naging legal basis sa pagpapalabas ng karagdagang allowances para sa mga pulis na sangkot sa war on drugs. Ng nakalipas na administrasyon. “Kung […]
-
Matapos na pula-pulaan ang ipinamigay na mga gulay: ANGELU, ‘di pinalampas ang nam-bash sa kanyang birthday community pantry
HINDI nga nakaligtas sa pambabatikos ang actress-councilor ng Pasig City na si Angelu de Leon na kung saan nakunan na namimigay ito ng mga gulay sa kanyang contituents. Ayon sa isang netizens, namimigay si Konsi Angelu para panoorin ang GMA series na kinabibilangan niya, ang Pulang Araw. Sa post […]
-
Snatcher kinulata ng bystanders sa Valenzuela, kasama nakatakas
NABUGBOG na, kulong pa ang isang snatcher matapos hablutin ang cellphone ng isang pedestrian habang nakatakas naman ang kanyang kasabwat sa Valenzuela City. Kinilala ni PCpl Yves Alvin Savella ng Sub-Station-9 ng Valenzuela police ang naarestong suspek bilang si Eugin Kim Ocfemia, 27, ng Barangay Veinte Reales habang nakatakas naman ang kasama nito […]