• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alex, mariing itinanggi na magkaka-baby na sila ni Mikee

DAHIL sa masayang tweets ni Alex Gonzaga-Morada noong March 23 maraming netizens ang agad na nag-react at natuwa.

 

 

Tweet kasi ni Alex, “I hope and pray today will not just be an or- dinary day for you. May something good happen in Jesus’ name!

 

 

“Wow!!! Thank you Lord!!!! Today isn’t really an ordinary day!!! I got a big blessing today! Praise God! Claim mo talaga!”

 

 

Marami ang nagpapalagay na ang tinutukoy na ‘big blessing’ na dumating ay baka magkaka-baby na sila ni Mikee Morada, na simula pa lang noong December ay may humuhulang baka nga buntis na siya.

 

 

Ilang nga sa halu-halong komento ng netizens:

 

 

“Soon to be a mother nb idol?”

 

 

“cguro preggy kna. congrats sa new blessing mo Alex.”

 

 

“Baby morada na ba yan may pinsan nb si sevi?”

 

 

“Yes madam Alex hintay lang ako sa vlog. Pero bat my feeling ako baby yan.”

 

 

“Lagi bang “baby” ang form of blessing? Lol wala na bang iba?

 

 

“what’s wrong with his/her comment at hindi na agad siya mahal ng nanay niya? Pinoy kasi pag blessing baby agad. A woman can say she is blessed with or without a baby. Sana mabawasan na ang stigma na pag babae ka nanay ka dapat.”

 

 

“may iba pa naman blessing sa mundong ito, di lang babies.”

 

 

“kanya kanyang form of bless- ings ang narereceived ng tao. Madaming type ng blessings.”

 

 

“Baby reveal yan sa next vlog :)!” “para daw may pang vlog and mag hit ito or maging trending. Pera din yun noh.”

 

 

“saw in her IG stories panay kain ng green mango every night. baka nga buntis na…and yes! baby is always a blessings :)”

 

 

“Blessing as long as kaya mo magsupport at magpa aral..”

 

 

“My guess is big endorse- ment/project.” At para matapos na ang mga haka-haka, sinagot na ni Alex ang tanong ng netizens, at isang nag- reply sa tweet niya ng,

 

 

“Wow! It’s a baby na ba.. congrats!”

 

 

“Wooops. Sorry hindi pa po. Ibang blessing po sinasabi ko. Waking up every morning is a already a blessing!”

 

 

So, abang-abang na lang sa kanyang vlog dahil tiyak na doon niya ire-reveal sakaling magkatotoo na ang magkaka-baby na sila ni Mikee Morado.

 

 

***

 

 

SA ika-anim na season ng business reality TV show na The Fi- nal Pitch makakasama na ang Managing Director ng 917Ventures na si Vince Yamat para maghanap ng ‘mga bagong bayani’ na makatutulong sa pagsulong ng ekonomiya at mapabuti ang buhay ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

 

 

Sa episode na “Heroes Edition,” kabilang si Yamat sa grupo ng mga judges at negosyante na susuri ng mga panukala sa negosyo na ipakikita ng mga kalahok para matugunan ang pang-ekonomiya at panlipunang epekto ng pandaigdigang krisis sa kalusugan.

 

 

Ang mapipili ay makakasali sa ‘Velocity’ ng 917Ventures, isang tatlong buwan na bootcamp na naglalayong ilabas ang mga talento at mga ideya ng mga kalahok at makalikha ng mga negosyo sa tulong ng 917Ventures at Globe.

 

 

Ang 917Ventures ang pinaka- malaking corporate incubator sa Pilipinas na sinusuportahan ng Globe. Bumubuo at sumusubok ito ng mga bagong ideya sa negosyo na may potensyal na lumaki at lumago. Kabilang sa mga kumpanya sa ilalim nito ang GCash, KonsultaMD, AdSpark, HealthNow, PureGo, at RUSH.

 

 

“Nag-aalok kami ng pagka- kataon sa mga taong may magagandang ideya sa negosyo na sumali sa aming programa para magkaroon ng katuparan ang kanilang mga ideya.

 

 

“Bukod sa matutulungan sila ng 917Ventures, magagamit din nila ang Unfair Advantage na dulot ng Globe na binubuo ng higit sa 80 milyon na customers, isang milyong distribution points, at 150,000 mga business partners sa buong bansa,” pahayag ni Vince Yamat.

 

 

Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, ang ‘Velocity’ ay gaganapin online at tinatayang magsimula sa Mayo ngayong taon. Ang 917Ventures ay handang magbigay ng puhunan, suporta sa operasyon, at tulong para sa pag develop ng produkto.

 

 

“Naghahanap kami ng tinatawag naming venture builder, isang taong matiyaga at masigasig sa paglutas ng problema. Bagama’t nakatuon ang aming pansin sa FinTech, E- Commerce, HealthTech, at AdTech, tinatanggap din namin ang magagandang ideya sa iba pang mga larangan,” dagdag ni Yamat.

 

 

Sina FWD Insurance President at CEO Li Hao Zhuang, UBX President at CEO John Januszczak, Thames International Business School President Joel Santos at The Final Pitch host na si John Aguilar ang mga kasama ni Vince sa panel ng mga mamumuhunan at hukom.

 

 

 

Para malaman ang higit pang impormasyon tungkol sa 917Ven- tures at Velocity, bisitahin ang https://velocity.917ventures.com/ (ROHN ROMULO)

Other News
  • UP guard Bea Daez, ikinagulat na mapili bilang WNBL ambassador

    Ikinagulat ni dating University of the Philippines guard Bea Daez-Fabros sa pagkakapili sa kaniya ng WNBL bilang ambassador.   Sinabi nito na hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok ni NBL executive vice president Rhose Montreal.   Dagdag pa nito na layon nito ngayon ay palaguhin ang women’s basketball sa bansa. Nag-represent na […]

  • Mga pagkilala at suportang pinansyal, bumuhos sa mga bayaning tagapagligtas

    BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap na espesyal na pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa kanilang kabayanihan na tinawag na “Salamat at Paalam… Luksang Parangal para sa mga Bayaning Tagapaglistas! sa Bulacan Capitol Gymnasium dito kahapon.     Sa ngalan nina George E. Agustin […]

  • Pagganap bilang isang mapanlinlang na pari, pinaghandaan… JOSEF, pinatutunayan na karapat-dapat na maging Vivamax Leading Man

    ISA na namang Vivamax Original Movie mula kay Direk GB Sampedro ang muling maninindak simula ngayong August 5, 2022, ang ‘Purificacion’ na isang sexy thriller.   Pinagbibidahan ito nina Cara Gonzales at Josef Elizalde.   Isa sa Vivamax favorite si Cara, na nakipagsabayan sa pag-arte nina Kylie Verzosa at Zanjoe Marudo sa ‘Ikaw Lang ang […]