Alice Guo ‘iseselda’ sa Pasig City Jail – PNP
- Published on September 23, 2024
- by @peoplesbalita
POSIBLENG ngayong araw mailipat sa Pasig City Jail si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.
Ito naman ang napag-alaman mula kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, dahil kailangan pang ibalik ng Criminal Investigation and Detection Group ang warrant of arrest ni Guo sa Pasig Regional Trial Court.
Ayon sa PNP, may ilan pang mga dokumento na dapat ayusin bago tuluyang mailipat ang dating alkalde ng Bamban.
Sinabi naman ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Chief Insp. Jayrex Bustinera na kailangan pa aniyang sumailalim sa medical examination, tulad ng x-rays at ECG reading dahil nasa 44 ang makakasamang Persons Deprived of Liberty (PDLs) ni Guo.
Batay sa kanilang patakaran dapat ay naka-isolate ang bagong commit na PDL. Subalit kailangan na gamitin ang isolation room para sa isang TB patient. (Daris Jose)
-
Delos Santos, nakakuha ng gold medals sa online competition
Muling nakakuha ng gold medal si Filipino karateka James delos Santos. Nakamit nito ang panalo sa First Inner Strenght Martial Arts International eTournament. Tinalo nito si Nejc Sternisa ng Slovenia. Ito na ang pangalawang gintong medalya na kaniyang nakamit ngayong taon na ang una ay noong 2021 SportsData eTournament […]
-
Air assets ng gobyerno, ipinag-utos ni PBBM na gamitin para makapaghatid ng tulong sa mga apektado ng lindol
KAAGAD na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gamitin ang air assets ng gobyerno para mabilis na mahatiran ng pagkain ang mga apektadong residente Ang air assets ay isa sa mga pangunahing kailangan ng mga tinamaan ng lindol. Sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan ang mabilis na paghahatid ng suplay […]
-
Kamala Harris: US, dapat na manatiling nakasuporta sa Pinas sa gitna ng probokasyon ng Tsina sa WPS
BINIGYANG diin ni Outgoing United States Vice President Kamala Harris ang kahalagahan na muling pagtibayin ang US commitment para idepensa ang Pilipinas sa gitna ng patuloy na agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang binanggit ni Harris sa isang telephone call kay Pangulong President Ferdinand Marcos Jr. Martes ng gabi. […]