Alice Guo, magulang, kapatid kinasuhan ng NBI
- Published on December 19, 2024
- by @peoplesbalita
ISINAMPA na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang reklamong falsification at mga paglabag sa Anti-Dummy Law laban kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo at 4 na miyembro ng kanyang pamilya.
Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, kasamang inireklamo ang mga magulang na sina Jiang Zhong Guo at Lin Wenyi, at mga kapatid na sina Shiela at Siemen Guo.
Kaugnay ito ng pagbili ng 4 na parcels ng lupa para sa kanilang 3Lin-Q Farm sa Mangatarem, Pangasinan.NBI files falsification, violations of Anti-Dummy Law raps vs Alice Guo, family
“They misrepresented themselves as Filipino citizens when the NBI was able to sufficiently establish that they are Chinese citizens,” ani Lavin.
Sinabi pa ni Lavin na bukod pa ito sa kinakaharap ng pamilya Guo na 7 counts of falsification for misrepresentations sa kanilang Securities and Exchange Commission Incorporation papers.
Nakakuha ang NBI ng certifications mula sa isang barangay sa Bulacan na nagsabing hindi kailanman nanirahan ang pamilya Guo sa kanilang lugar. (Daris Jose)
-
Nude photo ni J.Lo, pinagkaguluhan social media
BREAKING the internet ang nude photo ni Jennifer Lopez na cover ng kanyang new single na “In the Morning.” Nagkagulo sa social media dahil sa hubo’t hubad na photo ni J.Lo! Bago i-drop ang new single, nagpatikim ang 51-year old singer-actress ng teaser video bilang pang-promo. Ang kanyang racy cover ay kuha nina […]
-
Ads July 29, 2024
-
BI, pag-aaralan ang mga records at kaso ng ‘crypto scam’ trafficking victims
PAG-AARALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang records ng walong repatriated Filipinos na nabiktima ng cryptocurrency scammers. Sinabi ni Commissioner Norman Tansingco na inatasan niya ang Travel Control and Enforcement ng Bureau of Immigration na imbestigahan ang kaso ng mga biktimang ito na dumating sa bansa noong Lunes ng gabi sa pamamagitan ng […]