• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aliño, bagong SBMA head

OPISYAL na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang negosyanteng si Eduardo Aliño bilang bagong chairperson at administrador ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

 

 

Sa katunayan, pormal nang nanumpa sa kanyang tungkulin si Aliño sa harap ni Pangulong Marcos bilang SBMA head sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“President Ferdinand R. Marcos Jr. sworn in businessman Eduardo Aliño on Friday as administrator of the Subic Bay Metropolitan Authority,” ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil sa isang kalatas.

 

 

Ang SBMA ay nagsisilbi bilang “operating at implementing arm” ng gobyerno para sa development ng Subic Bay Freeport upang maging “self-sustaining tourism, industrial, commercial, financial, at investment center” para makalikha ng employment opportunities.

 

 

Pinalitan ni Aliño si dating SBMA administrator Jonathan Tan na uupo naman sa kanyang bagong posisyon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

Tinuran pa ni Garafil na nanumpa na rin si Tan bilang DILG undersecretary.

 

 

Si Aliño ang chair ng Subic Bay Yacht Club, at maging pangulo at chairperson ng S.T.A.R. Group of Companies.

 

 

Siya rin ang pangulo at chairperson ng Subic Bay Freeport Grain Terminal Services, Inc. at Mega Equipment International Corp.

 

 

Samantala, si Tan ay nagsilbi naman bilang Alkalde ng Pandan, Antique mula 2010 hanggang 2019.

 

 

Si Tan ay isa ring negosyanteng na siyang nagmamay-ari ng JDT Construction and Supply at nagsilbi bilang pangulo ng JDT Trading. (Daris Jose)

Other News
  • Motorista inabisuhan ng CAVITEX sa toll pay hike simula sa Mayo 12

    NAG-ABISO ngayon sa mga motorista sa Metro Manila ang kompaniyang CAVITEX Infrastructure Corp. na ipapatupad na simula sa Huwebes, Mayo 12 ang pagtataas ng toll rates sa CAVITEX Paranaque toll plaza.     Ayon sa kompaniya inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll pay hike kasunod nang pagpapatupad din ng mga pagbabago at […]

  • Rep. Teves, iniimbestigahan na sa Degamo slay

    ISINASAMA na sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. ukol sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo.     Sinabi ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang tanungin sa isang panayam ang posib­leng pagkakasangkot ng mambabatas.     “We are […]

  • 14th case ng mpox sa PH, na-detect sa Balayan, Batangas

    NILINAW ng lokal na pamahalaan ng Balayan, Batangas na hindi sila magpapatupad ng lockdown.     Sa kabila ito ng na-detect na kaso ng mpox sa kanilang bayan, matapos ang ilang pagsusuri.     Ayon kay Balayan Mayor Emmanuel Fronda II, hindi dapat maapektuhan ang buong operasyon ng kanilang lugar.     Ang mahalaga aniya […]