• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alinsunod sa kanilang mandato.. AFP tiniyak kay VP Duterte na poprotektahan nila ito

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Vice President Sara Duterte, na poprotektahan nila ito alinsunod sa kanilang mandato.

 

 

 

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Padilla, ang mga pansamantalang ipapalit na sundalo sa Vice Presidential Security Group (VPSPG) ay propesyonal, tapat sa chain of command at pinili base sa merit.

 

 

Kasunod ito ng pahayag ng Pangalawang Pangulo na hindi na siya tatanggap ng karagdagang security personnel dahil wala na siyang pinagkakatiwalaan.

 

 

Matatandaan na pansamantalang papalitaan ang miyembro ng VPSPG ng contingent force mula sa AFP at PNP ayon kay AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr.

 

 

Ito raw ay dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa mga miyembro ng VPSPG hinggil sa nangyaring kaguluhan sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) noong November 23 at sa nagpapatuloy din na paglilitis sa confidential funds ng OVP na nakakaapekto na sa pagganap sa kanilang tungkulin na protektahan ang bise presidente. (Daris Jose)

Other News
  • Cambodian leader COVID-19 positive matapos i-host ASEAN Summit na dinaluhan ni Marcos Jr.

    SINABI  ni Cambodian Prime Minister Hun Sen na nagpositibo siya sa COVID-19 ilang araw matapos niyang pangunahan ang ASEAN Summit na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. atbp. world leaders sa Phnom Penh.     Ito ang ibinahagi niya sa kanyang Facebook page, Martes, matapos niyang dumating sa Indonesia para sa G20 summit. Sa kabila […]

  • Balik-serye na sa 1st quarter ng 2023: JENNYLYN, nag-post uli ng photo ni Baby DYLAN na pinusuan ng mga netizens

    SA 2023 na ang pagbabalik ni Jennylyn Mercado sa paggawa ng teleserye.  Nabanggit niya ito sa isang interview na sa first quarter of 2023 siya muling magiging aktibo sa pag-arte sa TV. Kung matatatandaan ay natengga ang teleserye nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat dahil biglang nabuntis si Jen. Sey naman ni Jen […]

  • 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity hinatulang guilty dahil sa pagkasawi ni Atio Castillo

    NAHATULAN ng guilty sa korte ang 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity na siyang nasa likod ng pagkasawi ni Horacio “Atio” Castillo III.     Ang freshman law student ng University of Santo Tomas (UST) ay nasawi dahil sa labis na pagkakabugbog sa katawan nito sa isinagawang hazing ng fraternity noong 2017.   Kinilala ang […]