• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALJUR, umaming nagkaproblema sila ni KYLIE pero ginawa ang lahat para magkaayos

NAGSALITA na si Aljur Abrenica tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang misis na si Kylie Padilla. 

 

 

Ilang buwan na kasing pahulaan ang netizens kung sila pa ba o hiwalay na sila sina Aljur at Kylie.

 

 

Base kasi sa mga post nila sa Instagram, walang photo si Aljur sa account ni Kylie at sa account ni Aljur, wala ring mga photo ni Kylie.

 

 

May mga cryptic messages din si Kylie na parang pinapatamaan ay si Aljur.

 

 

Sa isang interview ni Aljur, sinagot na nito ang haka-haka ng netizens sa relasyon nila.

 

 

“Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan. Nagkaproblema kaming dalawa at na-mis-manage namin when it comes to posting. Na-spread sa mga tao.

 

 

“Pero to set the record straight, sinasabi ko nga, we’re good, we’re talking and we’re doing everything when it comes to what’s best sa aming dalawa at sa mga bata.”

 

 

Hanggang wala kasing nakikitang photo nila na magkasama sa kanilang IG, iisipin pa rin ng netizens na nagsasama lang sila for the sake of their two children na sina Alas at Axl Romeo.

 

 

***

 

 

MARAMI na raw ang nagbago sa buhay ng Kapuso actor at athlete na si John Vic De Guzman mula nang maging ganap na GMA Artist Center talent siya last year.

 

 

Isa sa mga pinaka pinagpapasalamat niya ang pagiging parte ng primetime series na Owe My Love.

 

 

Sa interview niya sa GMANetwork.com kahapon, isinalarawan niya ang kanyang Kapuso journey: “Sobrang overwhelming na happiness na naging part ako ng Kapuso, dahil nakilala ko ‘yung mga taong nagsilbing family ko ngayong pandemic. Kahit malayo ako sa pamilya ko ay nagkaroon ako ng chance na matuto sa kanila at the same time, ma-share ko ‘yung mga alam ko na makakatulong for them.”

 

 

Dagdag pa niya, may life experiences siyang natutunan sa mga co-stars niya at siguradong dadalhin daw niya ito kahit na matapos na ang kanilang show.

 

 

Patuloy na napapanood ang ‘Owe My Love’ tuwing 9:35 PM sa GMA Telebabad.

 

 

***

 

 

NAGING tahimik lang ang Hollywood actress na si Emma Stone sa pagsilang nito sa first baby nila ng mister niyang si Dave McCary.

 

 

Noong March pa sinilang ng Oscar winner sa Los Angeles ang baby girl nila na may pangalan na Louise Jean. Ang naturang name ay tribute ni Emma sa kanyang grandmother na ang name ay Louise Jean din.

 

 

Ilang taon din daw pinag-isipan ni Emma ang pagkakaroon ng sariling anak.

 

 

“I never babysat or anything. As a teenager, I was like, ‘I’m never getting married, I’m never having kids.’ And then I got older and I was like, ‘I really want to get married, I really want to have kids.’”

 

 

Mapapanood si Emma sa bagong live-action film ng Disney na Cruella. 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • HIGH-OCTANE SWASHBUCKLING ACTION IN “UNCHARTED” FINAL TRAILER

    IN a race for $5 billion, be careful who you trust. Tom Holland and Mark Wahlberg star in Columbia Pictures’ new action adventure Uncharted.   Watch the film’s Final Trailer below and experience the movie exclusively in Philippine cinemas February 23.   YouTube: https://youtu.be/dbaXvt2Vov8   About Uncharted   Street-smart Nathan Drake (Tom Holland) is recruited by seasoned treasure […]

  • MMDA: 1-2 a.m., deadliest hour sa mga kalsada sa NCR

    NAGANAP ang mga aksidenteng nakamamatay sa Metro Manila noong 2019 sa oras na ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng madaling araw, hango sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Ito ay batay sa hourly accident tally ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System.   Sa kabila ng magaang daloy ng trapiko […]

  • LTFRB nakahanda sakaling matuloy ang tigil-pasada

    TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko na sila ay nakahanda sa bantang tatlong araw na tigil-pasada ng ilang transport group kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Ayon kay LTFRB Board Member Mercy Jane Leynes, na magpapakalat sila ng mga sasakyan […]