ALJUR, umaming nasadsad at nabugbog kaya nakapag-post laban kay KYLIE pero ‘di proud sa nagawa
- Published on October 25, 2021
- by @peoplesbalita
SA ginanap na face to face mediacon ng bagong pelikula ni Aljur Abrenica ay ipinaliwanag niya kung bakit niya nagawang mag-post ng mga dahilan kung bakit sila naghiwalay ng asawang si Kylie Padilla.
“I’m not proud sa nangyari. The reason why nagawa ko ‘yun, ‘yung post, kasi I felt like nasadsad na ako, eh, nabugbog na.
“So, it was not my intention na maglabas ng ganu’ng post pero naramdaman ko talaga na kailangan kaya nagawa ko ‘yun.
“Ang sa akin, I think, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko na siya gusto pang i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila,” paliwanag ng aktor.
Pero aminado siyang si Kylie pa rin ang kanyang love of his life.
“I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ‘yung babaeng ‘yun. And I valued our family more than anything. So I was really affected nang nangyari ‘yun.
“Pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali rin ako and for the sake of our children, gusto ko na lang matapos.
“She’s still the mother of my children, and may pinagsamahan pa rin kami, I will never forget that, ipinagpapasalamat ko ‘yun,” pahayag ni Aljur.
Dagdag pa niya, “napakinggan n’yo na ang mga sinabi ko, sa post na ‘yun, at lahat lumabas na, hanggang du’n na lang. So, sana, hinihingi ko po sa inyo na para sa mga bata, para sa pinagsamahan namin ni Kylie, nagpapasalamat kami sa inyo, utang na loob namin sa inyo, ganun’n na lang. Maraming salamat po.”
Labis na nagpasalamat si Aljur dahil kahit may pandemya ay may trabaho siya tulad nitong bagong pelikula niyang Manipula mula sa direksyon ni Neal ‘Buboy’ Tan kasama ang producer at leading lady niyang si Ana Jalandoni kasama rin sina Kiko Matos, Rosanna Roces, Christian Vasquez, Allan Paule at Marco Alcaraz.
***
SA nalalapit na PoPinoy finals, ang mga natitirang Pop Dreamers ay nabigyan ng pagkakataong makasama ang Multimedia Prince na si James Reid bilang ultimate mentor sa nakaraang episode kahapon Linggo, Oktubre 24, sa TV5.
Sa kanyang 1-on-1 sa mga Pop Groups, ibinahagi ni James ang kanyang humble beginnings sa industriya at inilahad din sa mga PoPinoy aspirants ang kanyang mga natutunan sa kanyang buhay at career.
Kaya abangan ang Grand Finale sa November 7 sa TV5!
May sariling aktibidades naman si James sa Oktubre 31 base sa IG post niya.
“Creepin’ it real. Catch me at #BacardiSessions this Halloween, live on the 31st of October on Careless’ Kumu and Facebook Page #DoWhatMovesYou.”
***
ANG tinaguriang phenomenal star at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza ay magpapaalam na sa kanyang daily lifestyle program na #MaineGoals, matapos ang labintatlong linggo na puno ng kulitan at katatawanan.
Tampok sa #MaineGoals, na nagbukas noong Agosto 2 sa bagong 24/7 local comedy channel ng Cignal TV na BuKo, ang kapana-panabik na mga eksena at paglalakbay ni Maine.
Simula sa pag akyat sa Mt. Kulis sa Rizal noong pilot episode, sa kalesa riding, lodge housekeeping, pag train ng dolphins, at pag ear pierce sa kauna-unahang beses, lahat ng item sa personal na goals list ni Maine ay laging trending sa Twitter.
Panibagong Maine ang matutunghayan sa season-ender ng #MaineGoals dahil hindi lang siya basta magiging effortlessly funny at witty gaya ng nakasanayan ng kanyang mga katrabaho.
Sa huling linggo ng programa, mapapanood ang ghost hunting experience ng aktres at ang kanyang party planning skills. Makikita rin kung paano siya magbigay-salamat sa production staff ng show sa pamamagitan ng papremyo na galing mismo sa kanyang bulsa.
Kaya huwag palampasin ang huling linggo ng #MaineGoals sa ganap na 7:30 p.m. gabi-gabi sa BuKo Channel, Cignal TV Channel 2 (Cignal Postpaid Plans 290 pataas, at Prepaid Loads 100 pataas) at SatLite Channel 2 (Loads 49 pataas at Tingi Loads 10, 15, and 25), at sa Cignal Play app via App Store and Google Play.
(REGGEE BONOAN)
-
Comelec commissioner ipinapa-disqualify si Marcos
IBINULGAR agad ni Commissioner Rowena Guanzon ang kanyang boto para i-disqualify si dating Sen. Bongbong Marcos sa 2022 presidential elections kahit hindi pa binabasa ang pinal na hatol sa anak ng dating diktador — dahilan para hilingin ng isang partidong maparusahan ang nauna. Huwebes kasi nang humarap sa GMA News si Guanzon para […]
-
Kadiwa caravan, magpapatuloy kahit tapos na ang Kapaskuhan- PBBM
KAHIT tapos na ang Kapaskuhan ay magpapatuloy pa rin ang implementasyon ng Kadiwa ng Pasko project. Kinilala ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan na mag-alok ng abot-kayang halaga ng produkto sa mga Filipino consumers. Sa isinagawang Kadiwa ng Pasko caravan sa Quezon City, hangad ni Pangulong Marcos na makipag- tie-ups sa […]
-
Upcoming films for February top billed by Renée Zellweger, Tilda Swinton, Julianne Moore, Bill Skarsgård, Nicolas Hoult
Don’t miss these upcoming films, opening in cinemas in February 2025! February 12 – Bridget Jones: Mad About the Boy (Universal PicturesCast: Renée Zellweger, Hugh Grant, Emma Thompson, Chiwetel Ejiofor, Leo Woodall, Colin Firth, Jim Broadbent, Gemma Jones, Isla Fisher Directed by: Michael Morris Bridget Jones (Renée Zellweger) navigates life as a widow and single […]