All-Filipino lineup handang iparada ng Gilas
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
Handa ang Gilas Pilipinas na isabak ang all-Filipino lineup nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers sakaling hindi umabot ang naturalization ni Ivorian Angelo Kouame.
Ilang araw na lamang ang nalalabi bago tumulak patungong Manama, Bahrain ang Gilas Pilipinas.
Subalit nananatiling optimistiko ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makukuha ni Kouame ang naturalization papers nito bago ang qualifiers.
Alam ni SBP Special Assistant to the President Ryan Gregorio na hindi madali ang pagproseso ng naturalization.
At kung hindi papalarin, inihahanda na ng SBP ang isang solidong all-Pinoy lineup na haharap kontra Thailand at South Korea.
“That is really the plan. Some of the things are beyond our control. If there is a magic we can do for Kouame to be available come November 27 by all means we’re gonna take it,” ani Gregorio sa 2OT na iprinisinta ng Smart.
Kasama si Kouame sa 16-man Gilas Pilipinas pool na isinumite ng SBP sa FIBA.
Kung hindi man ito makaabot sa qualifiers sa Bahrain, nais itong ihanda ng SBP sa mga susunod na window ng FIBA tournament gayundin sa prestihiyosong FIBA World Cup na itataguyod ng Pilipinas sa 2023.
Dumating na rin sa Calamba si Kobe Paras ng University of the Philippines matapos makumpleto ang kanyang dental procedure.
Kasama nina Paras at Kouame sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Jaydee Tungcab, Dwight Ramos, Justine Baltazar, Dave Ildefonso, William Navarro, Calvin Oftana, Kemark Carino, Juan Gomez de Liaño, Javi Gomez de Liaño, Mike Nieto at Matt Nieto.
-
Provincial bus operators maghahain ng petisyon para sa fare increase
MAGHAHAIN ng petisyon ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) para sa pagtataas ng pamasahe ngayon linggo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon kay PBOAP executive director Alex Yague na ang mga operators ay hindi na nakakayanan ang mga tumataas ng presyo ng produktong petrolyo na kanilang […]
-
P32M BINALIK NG NAVOTAS PARA SA KARAGDAGANG AYUDA
IBINALIK ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ilang alokasyon nito para sa iba`t ibang tanggapan upang maibigay ang enhanced community quarantine (ECQ) ‘ayuda’ sa lahat ng beneficiaries. Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Appropriations Ordinance No. 2021-09 para sa reversion ng P32.4 million na inilaan para sa machinery repair at maintenance, drugs […]
-
Lambda variant bagong banta sa Pinas
Isa na namang baong variant ng COVID-19 na Lambda na inihahalintulad sa Delta ang magiging bagong banta sa Pilipinas na kaila-ngang makapagsagawa ng mga pamamaraan na huwag makapasok sa bansa. Ayon kay infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, na bagama’t hindi pa natutukoy sa Pilipinas, kumakalat na ang Lambda variant na unang natukoy […]