• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘All Out Sundays’ nina Alden, waging-wagi pa rin sa ratings kahit nagsama-sama ang Kapamilya stars sa ‘ASAP’

WAGI pa rin ang Sunday noontime show ng GMA-7 na All Out Sundays base sa resulta ng ratings na lang noong nakaraang Linggo.

 

 

Nagsama-sama na rin ang mga sikat na Kapamilya sa nakaraang airing ng ASAP Natin ‘To kunsaan, unang beses din itong napanood sa TV5 na. Bukod pa rito, napapanood pa rin sa A2Z channel at mga online and cable channels. Pero siguro, iba talaga kasi kung sa ABS-CBN talaga ito napapanood.

 

 

 

Ang All Out Sundays naman nina Alden Richards ay patuloy na namamayagpag on its time-slot. Pansin din namin, mas interesting din ang mga bagong segment.

 

 

 

Sa AOS naman, mukhang pwede nilang gamitin na ang tagline ng The Clash ngayon na “Isa para sa lahat” sa nangyari.

 

 

***

 

 

BININYAGAN na ang anak ng actress na si Ryza Cenon at ng partner njya na si Miguel Cruz na si Night.

 

 

Sa Christ The King Parish ginanap ang ceremony at sa Lola’s Cafe ang reception.

 

 

Ilan sa mga kaibigang artista na napili ni Ryza para maging ninang ng anak ay ang mga old time friends na rin niyang talaga na sina Chynna Ortaleza, LJ Reyes at Chariz Solomon. Si LJ ay nakarating ng church habang ang mga hindi, sa zoom app nag-join. Talagang ang pinili raw nila, yung alam nila na ano man ang mangyayari, titingnan ang baby nila bilang mga pangalawang magulang.

 

 

Magti-three months old pa lang si Baby Night pero kitang-kita na ang kaguwapuhan nito. Na ayon kay Ryza, pinaglihian daw niya ang South Korean actor na si Gong Yoo dahil 3 beses daw niyang pinanood ang Goblin.

 

 

Sa isang banda, naging sobrang ingat naman sina Ryza at Miguel sa safety protocols. Mula church hanggang reception ay meron itong free antigen swab testing sa lahat ng bisita nila at maging crew sa restaurant. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Hidilyn ipinagmalaki ang buong team sa kaniyang tagumpay

    Labis ang pasasalamat ni Pinay weightlifting champion Hidilyn Diaz sa kaniyang kasamahan na naging susi sa tagumpay nito para makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Tokyo Olympics.     Kinibibilangan ito ng kaniyang coach na si Jeaneth Aro bilang nutritionist, sports psychologist Dr. Karen Trinidad; weightlifting coach Kaiwen Gao at strenght and conditioning […]

  • Pacquiao nasa PH na kasunod ng laban vs Ugas; naka-quarantine na sa isang hotel sa Pasay

    Dumiretso sa Conrad hotel sa Pasay City na si Sen. Manny Pacquiao kasama ang kanyang pamilya para sa kanilang 10-day quarantine matapos na dumating na sa bansa kaninang madaling araw.     Alas-3:23 ng umaga lumapag sa Ninoy Aquino International Airport mula Los Anges ang PAL 103 lulan sina Pacquiao, na kakagaling lamang sa laban […]

  • Ads October 16, 2023