• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALOK NA AMBAG NG ELECTRIC COOPS SA BAKUNAHAN PINURI NI NOGRALES

Pinapurihan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga electric cooperatives sa ilalim ng pangangasiwa ng National Electrification Administration (NEA) para sa pagboboluntaryong tulungan ang nationwide Covid-19 campaign, na nagsabing “tayo ay nagpapasalamat sa ating mga ECs na iniisip muna ang national interest at para sa pagiging aktibo nilang pakikipag-ugnayan sa gobyerno. “

 

Ito ang naging pahayag ni Nograles, co-chair ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), sa virtual NEA-EC Communicators’ Conference noong March 6, 2021.

 

“Ang aktibong suporta ng 121 electric cooperatives sa buong bansa ay lubos na magpapagaan sa ating pagsisikap na maabot ang mga malalayong komunidad. Nangako rin ang mga ECs na papahintulutan ang paggamit ng kanilang multi-purpose facilities at iba pang mga resources upang makatulong sa vaccination drive,” dagdag pa ng opisyal ng Malacañang.

 

Ang mga electric coops ay nangakong susuportahan ang mga healthcare professionals, local government units at medical frontliners habang niro-rollout ang vaccine sa kani-kanilang coverage areas.

 

Sinabi ng Kalihim ng Gabinete na ang mga ECs ay mahalaga sa pagpapanatili ng matatag na supply ng kuryente sa kanayunan, partikular sa pagpapanatili ng maayos na daloy sa crucial infrastructure ng mga ospital at healthcare facilities sa gitna ng kasalukuyang pandemya.

 

Pinasalamatan nito ang NEA at ECs sa pagsunod sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang pagpapatupad ng “no disconnection” policy para sa mga lifeliners o “low-income consumers.”

 

“Agad na gumawa ng aksiyon ang Pangulo sa panukala ng Department of Energy hinggil sa no disconnection measure. Para sa ating mga economically-depressed kababayans, ang kuryente ay isang lifeline na kinakailangan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Dapat tulungan sila ng gobyerno sa kanilang mga pangangailangan sa kuryente.”

 

 

Isang advisory ang inilabas ng DOE noong Pebrero 5, 2021 na nag-aatas sa lahat ng distribution utilities kabilang ang mga ECs na ipatupad ang “no disconnection policy” para sa mga hindi makapagbayad ng kanilang electricity bill noong Marso 2021, hangga’t ang kanilang kinukonsumo ay nasa loob ng lifeline rate na itinakda ng Energy Regulatory Commission (ERC) for the distribution utilities’ franchise area.

 

Ang ECs para sa kanilang bahagi ay muling binigyang diin ang kanilang matatag na pangakong itaguyod ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan, na iginiit na sana ay makatulong ang pag-mobilize ng kanilang mga resources sa Covid-19 vaccination drive, isa sa pinakamalalaking hakbangin sa kalusugan sa kasaysayan ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • 170,000 Pilipinong botante sa ibang bansa, nakaboto na–Comelec

    AABOT na sa 10% o katumbas ng 170,000 ng rehistradong Pilipinong botante sa ibang bansa ang nakaboto na ayon sa Commission on Election (Comelec).     Ayon kay Casquejo nasa kabuuang 76,745 katao na ang nakabboto sa Asia Pacific.     Nasa 13,462 overseas voters naman ang nakaboto na sa Europe, 83,450 Pilipino ang nakaboto […]

  • Mary; Luke 1:49

    He who is mighty has done great things for me.

  • Paglaban sa pandemyang bitbit ng Covid-19 at paano makababawi mula rito, bibigyang diin ni PDu30

    BINIGYANG diin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pananaw nito sa pagsisikap na labanan ang coronavirus pandemic at kung paano makakabawi mula rito sa idinaos na virtual international conference kahapon Biyernes, Mayo 21.   Ang Pangulo ay nagbigay ng kanyang talumpati sa 26th International Conference on the Future of Asia, o mas kilala bilang Nikkei […]