Ambassador Huang, tiniyak kay PDu30 na walang dapat ipangamba sa pagkaka-angkla ng Chinese vessels sa Julian Filipino Reef
- Published on March 29, 2021
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang dapat ipangamba ang Pilipinas sa napaulat na presensiya ng Chinese vessels sa Julian Filipino Reef (Union Reefs).
Ito’y nangyari sa isang “social call” na ibinigay ni Huang kay Pangulong Duterte sa Malacañang Palace sa Maynila.
“Nagkaintindihan naman po si Presidente at ang Chinese ambassador,” ayon kay Sec. Roque.
Sa nasabing meeting, binanggit ng Pangulo kay Huang ang napaulat na naispatan na Chinese ships.
Naging malinaw aniya si Pangulong Duterte na siya ay ay Presidente at puprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas,” anito.
Sinabi naman ni Huang sa Pangulo na ang mga namataan na Chinese boats sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea ay nandoon lamang sa JFR dahil sa masamang kondisyon ng karagatan.
“Sinabi po ni Pangulo na concerned po talaga tayo dahil kahit sino namang bansa, mako-concern po dahil may mga barko. Ang sabi naman po ng Chinese ambassador, sila po ay mga mangingisda, na ayun nga po, nandoon sila dahil they were seeking shelter also ,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Tumanggi naman si Sec. Roque na ihayag ang petsa ng meeting sa pagitan nina Pangulong Duterte at Huang, dahil na rin sa noong mangyari ang meeting ay naka-isolate aniya siya.
Nauna nito, sinabi Sec. Roque na umaasa ang Malakanyang na sa kalaunan ay aalis din ang mahigit 200 Chinese maritime militia vessels na natuklasang namamalaot sa Julian Felipe Reef, isang bahagi ng West Philippine Sea.
Naniniwala si Sec. Roque na para sa kapakanan ng pagkakaibigan ng Pilipinas sa bansang China ay lilisanin din ng 220 maritime militia vessels ng Beijing ang Julian Felipe Reef na napaulat na naka-angkla noon pang Marso 7.
Sinabi ni Sec. Roque na personal na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bagay na ito sa China’s envoy to the Philippines, kung saan tiniyak naman ng huli sa Pangulo na ang Chinese vessels ay naghanap lamang ng temporary refuge dahil sa masamang panahon.
“Wala pong kontrobersiya dahil hindi naman nila [China] ipinaglalaban na mananatili sila roon,” ayon kay Sec. Roque.
“In the spirit of friendship, inaasahan na hindi sila mananatili roon,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Sa kabilang dako, pinagtalunan naman ng National Task Force for West Philippine Sea ang ‘excuse” na “bad weather” dahil kahit maganda naman ang panahon ay nananatili sa Julian Felipe Reef ang mahigit 200 Chinese maritime militia vessels.
Iginiit ni Sec.Roque na palaging pinaninindigan ng Pangulo na protektahan ang Philippine territory, kabilang na ang Julian Felipe Reef, sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
“The President said this before the United Nations: We will protect our territory, we stand by the UN Arbitral Ruling, and we will resolve this by peaceful means under UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Seas),” lahad ni Sec. Roque.
“Hindi nagbabago ang posisyon ni Presidente,” aniya pa rin.
Matatandaang, itinaas ni Pangulong Duterte sa United Nations General Assembly (UNGA) ang panalo ng Pilipinas sa China noong 2016 kaugnay sa usapin ng South China Sea na tinatawag ng bansa na West Philippine Sea.
Sinabi ng Pangulo na hindi pinapayagan at hindi tinatanggap ng Pilipinas ang anumang pagtatangka na sisira sa July 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration in The Hague.
“The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon,” ayon kay Pangulong Duterte.
Aniya, ang commitment ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea ay laging nakasalig sa United Nations Convention on the Law of the Sea at sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration sa the Netherlands.
Magugunitang, ilang ulit nang hindi kinilala ng China ang 2016 ruling ng arbitral tribunal. (Daris Jose)
-
Tinawag na ‘patron ng mga tanga sa pag-ibig’: ANGELICA, nagpasalamat sa netizen at sinabing titila rin ang ulan ng kamalasan
SUMAGOT at nagpasalamat si Angelica Panganiban sa tweet ng isang netizen na kung tinawag siyang ‘santa’. Ayon sa tweet ni @mckmaquino, “Santa Angge, ang patron ng mga tanga sa pag-ibig, finally, nanalo na sa pag-ibig. Congrats! Prayer reveal naman dyan @angelica_114 😂 #SanaAll.” Sagot naman ni Angge, “Salamat 🤭 hintayin mo lang, […]
-
Face-to-face college classes simula na sa Enero 31
GAYA nang pinlano, nakatakdang magsimula ang limited face-to-face classes para sa higher education institutions (HEIs) sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 sa Pilipinas sa Enero 31. “The date of the phase 2 of the implementation of limited face-to-face classes for all programs of HEIs in areas under Alert Level […]
-
X-Men Joins MCU, Charlize Theron Will Suits Up As Mystique
EVERYBODY can’t wait for the X-Men to join the Marvel Cinematic Universe and now we have our first look at what Charlize Theron could look like as Mystique. Across her illustrious career, of the Oscar winner actress, has taken on many roles; however, there is one role that has long alluded her: a […]