• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Amendments sa panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA),” Cooperative Banking Act, aprubado

MATAPOS  ang diskusyon ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Manila Rep. Irwin Tieng ay inaprubahan nito ang karagdagang amendments sa revised House Bill 6398, o panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA).”

 

 

Ang panukala ay una nang inaprubahan noong Martes ng komite kung saan magkakaroon ng independent fund na gatawaging “Maharlika Wealth Fund (MWF).”

 

 

Sa ilalim pa ng panukala, ang MWF ay gagamitin para isulong ang fiscal stability para sa economic development at mapalakas ang Government Financial Institutions (GFIs) sa pamamagitan ng karagdagang investment platforms.

 

 

Layon din nito na matugunan ang target goals ng pamahalaan na nakasaad sa Agenda for Prosperity ni Pangulong Marcos.

 

 

Sa revised version, ang MWF ay kukunin mula sa investible funds ng top GFIs ng bansa, National Government, at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

 

 

Nagkasundo rin ang panel na magsagawa ng isa pang public consultation sa GFIs at iba pang stakeholders sa Lunes.

 

 

Ang HB 6398 ay pangunahing inihain nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, at TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

 

Other News
  • Pope Francis suportado ang pagpapabakuna laban sa COVID-19

    SUPORTADO ni Pope Francis ang national vaccination na isinasagawa ng bawat bansa laban sa COVID-19.     Itinuturing pa nito na ang pagpapabakuna ay isang moral obligation.     Kasabay din nito ay kinondina ng Santo Papa ang mga “baseless” ideological misinformation tungkol sa COVID-19 vaccines.     Sa kanyang talumpati sa “State of the […]

  • P102-M halaga ng shabu nasabat ng PNP at PDEA sa Malate, Manila; Chinese national arestado

    Arestado ng mga operatiba ng PNP at PDEA ang isang Chinese drug suspect sa ikinasang anti-illegal drug operations sa Malate, Manila kung saan nasa P102-million halaga ng iligal na droga ang nasabat sa kaniyang posisyon.     Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang naaresting Chinese national na si CHEN ZHINZUN/Yu Sison Tabuen “a.k.a” […]

  • Ads September 26, 2024