Aminado na may nagawang pagkukulang: DENNIS, umaasa na magkakaayos pa rin sila ng mga anak niya
- Published on July 25, 2023
- by @peoplesbalita
ISANG emosyonal na Dennis Padilla ang nakapanayam namin sa storycon ng bagong pelikulang ‘Magic Hurts’.
Alam naman ng publiko ang masalimuot na sitwasyon sa pagitan ni Dennis at mga anak niyang sina Julia, Claudia, at Leon na mga anak nina Dennis at dati nitong karelasyon na si Marjorie Barretto.
Ang ‘Magic Hurts’ kasi ay tungkol rin sa healing kaya natanong si Dennis kung may kapatawaran na ba sa pagitan nilang mag-aama bilang bahagi ng healing na sinasabi niya?
“HIndi ko alam kung ako forgiven na, pero… matagal na.
“Saka wala naman akong dapat i-forgive dahil ako yung may nagawang pagkukulang e,” deretsahang pag-amin ni Dennis.
“So, ang madalas kong sabihin na… ang importante, nasabi mo ang dapat mong sabihin. Naparating mo yung message mo. Ang importante, yung pagmamahal, nandun yung magic, e.
“I’m waiting for that magic, and I hope yung pagmamahal ay nandun pa din.
“Kasi minsan, mas lumalalim yung pagmamahal pagka galing kayo sa sakit, di ba? Mas lumalalim,” pahayag pa ni Dennis.
Umaasa si Dennis na magkakaayos pa rin sila ng mga anak niya.
“Yan ang sana sumunod, kasi I’m not getting any younger, e. Sana soon,” punumpuno ng damdaming pahayag niya.
Pero paglilinaw pa ni Dennis, hindi na raw siya ang magri-reach out dahil matagal na raw siyang lumalapit sa mga ito, at sana raw ay gawin na ito ng kanyang mga anak.
“I’ve been reaching out since ano pa e, 2014, medyo matagal na rin. Ilang years na ba yun? Almost 10 years na, nine years, I’ve been reaching out, so I hope sila naman,” pahayag pa niya.
Kung kailan iyon ay nakahanda naman siyang maghintay at hindi pa rin daw siya nawawalan ng pag-asa.
“Pag tatay ka, mahaba yun. Sabi nga nila, nung ako, suwail din naman ako sa tatay ko nung araw. Hindi naman ako all the way mabait na anak.
“So, dun ko naintindihan yung mga sinasabi ng magulang ko na… lalo na si Tatay, sabi sa akin, ‘Kayo, matitiis niyo kami. Pero kayo, hindi ko kayo matitiis.’”
Samantala importante ang papel ni Dennis sa pelikulang Magic Hurts; gaganap siya bilang isang bading na may-ari ng isang flower farm sa Atok, Benguet.
Mula sa Rems Film Production, ilulunsad sa pelikulang Magic Hurts ni direk Gabby Ramos ang tambalang Mutya Orquia at Beaver Magtalas at ang newbie na si Maxine Trinidad.
Nasa cast rin ng Magic Hurts sina Ricardo Cepeda, Angelica Jones, Archie Adamos, Panteen Palanca, Whitney Tyson, Blumark Roces, Aileen Papin, Quia Barretto, Dennah Bautista at Cassie Kim.
Kasama rin sa cast ng pelikula ang kapatid ni Marjorie na si Claudine Barretto at ang eight-year-old daughter ng aktres na si Aryanna Barretto.
***
SI Alden Richards ang bida sa month-long special episodes ng ‘Magpakailanman’ na magsisimula na sa August 5 sa GMA.
Ang unang episode na mapapanood ay pinamagatang “A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story.”
Kasama niya sa episode na ito si Sanya Lopez, na ididirek ni Neal del Rosario.
Ang iba pang episodes na mapapanood sa buong buwan ng August ay ang “The Lost Boy, Epal Dreamboy: The Richard Licop Story” at “Anak, Kapatid, Magulang: The Andrew Cantillana Story.”
Ang unang episode na ginawa ni Alden Richards para sa Magpakailanman ay ang life story niya na ginawa pa nung taong 2013.
Papayag naman daw si Alden na magkaroon ng part two ang life story niya sa Magpakailanman, pero ang gusto niya ay iba na ang gaganap.
“Siyempre, sa journey naman po ng buhay, hindi naman lahat nagiging masarap ang journey. Lagi yan, kumbaga, yin and yang yan.
“In every good, there’s always a bad, and in every bad there’s always a good. It’s a cycle. It’s a continuous journey.
“Siguro po mas ma-appreciate kung iba yung aarte,” pahayagi ni Alden.
Nag-isip siya sandali nang tinanong kung sino ang gusto niyang gumanap bilang Alden Richards.
“Si Joshua Garcia, nasa GMA na, bakit hindi siya di ba?” sabi niya.
Marami naman daw siyang ibabahagi sa buhay niya ngayon sakaling magka-part two ang life story niya sa Magpakailanaman.
“Gusto ko pa sanang maging highlight naman kung magkaka-part two is… I want the episode to be a feel-good episode yet inspirational.
“Siyempre, sa journey naman po ng buhay, hindi naman lahat nagiging masarap ang journey.
“Lagi yan, kumbaga, yin and yang yan. In every good, there’s always a bad, and in every bad there’s always a good. It’s a cycle.
“It’s a continuous journey.
“Kasi dun po, parang life story ko when we were kids, mahirap kami, condition po ng mom ko, towards her deathbed. Tapos nag-start mag-artista, etcetera.
“So, yung second part po, from that part, going na for where I am po now. Sana ganun,” sinabi pa ni Alden.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
PARK SHIN-HYE IS SET TO HEADLINE A MYSTERY THRILLER TITLED “THE CALL”
NETFLIX unveiled the trailer for the upcoming film The Call, and it’s enough to keep fans on the edge of their seat. Starring Park Shin Hye, one of OG K-drama leading ladies, famous for her roles in K-drama shows such as “Stairway to Heaven” (2003), “The Heirs” (2013) and “The Doctors” (2016). This […]
-
MOTOR BINANGGA NG TRUCK, RIDER UTAS, ANGKAS MALUBHA
Isang 24-anyos na rider ang nasawi habang nasa kritikal naman na kondisyon ang kanyang angkas matapos salpukin ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang Isuzu Elf truck sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang […]
-
PBBM, hindi muna babyahe sa ibang bansa habang binabalangkas pa ang gabinete
NILINAW ng Malacañang na wala pang na-commit na biyahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa mga state visit invitations. Kasunod ito ng paanyaya ni United States President Joe Biden para dumalao sa Amerika. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na abala pa ang Pangulo sa pagbuo sa kaniyang gabinete […]