• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aminadong na-trauma nang gupitan: Makeover noon ni KRIS, biglang nag-viral sa social media

BIGLANG nag-viral sa social media ang makeover ni Kris Bernal noong maging finalists siya sa StarStruck: The Next Level noong 2006.

 

 

Sa  throwback video na ipinost ng GMA Network sa Instagram, naiyak si Kris nang gupitan ng maigsi ang mahabang buhok niya at nilagyan ng layers.

 

 

Kasama kasi ang makeover sa challenges nila noon. Pero pakiramdam ni Kris ay pinag-eksperimentuhan ang buhok niya.

 

 

Hindi pa kasi uso ang social media 17 years ago kaya ngayon lang ulit napanood ni Kris ang video na iyon.

 

 

“Yung trauma ko dito. Chareeeet!” comment ni Kris na nanalo naman bilang Ultimate Loveteam kasama si Mart Escudero sa grand finals ng StarStruck 4.

 

 

Ngayon, isa ng mother si Kris sa first baby nila ni Perry Choi na si Hailee Lucca.

 

 

***

 

 

BINITAWAN ng Marvel at Disney ang actor na si Jonathan Majors matapos na hatulan siya ng New York jury na guilty sa kasong pananakit sa kanyang dating nobya na si Grace Jabbari sa likod ng sasakyan.

 

 

Inalis na ang Emmy-nominated actor sa mga dapat na future projects nito sa Marvel Cinematic Universe kabilang ang Avengers: The Kang Dynasty. Huling napanood si Majors sa Ant-Man and The Wasp: Quantumania.

 

 

Ilalabas ang sentensiya kay Majors sa Feb. 6, 2024, at maaari siyang makulong ng hanggang isang taon.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Guadiz, posible pa ring masibak mula sa LTFRB

    POSIBLE pa rin umanong masibak sa puwesto si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman ­Teofilo Guadiz III, kung mapapatunayang guilty siya sa mga alegasyon ng korapsyon.     Ito ang naging tugon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista matapos na matanong kung maaari pa bang muling ma-dismiss si Guadiz mula sa […]

  • Sapatos na ginamit ni Michael Jordan sa kanyang rookie season, naibenta sa halagang P47-M

    Naibenta sa halagang $1,472,000 o katumbas ng P74,689,280 ang sapatos ng sinasabing greatest of all time (GOAT) at NBA superstar na si Michael Jordan.     Ang sneakers na ginamit ni Jordan ay nakapagtala ng auction record para sa game-worn footwear.     Ang kombinasyon ng red-and-white shoes ay ginamit ng iconic player sa ika-limang […]

  • APEC, mahalaga para makaiwas sa labanan, i-promote ang kapayapaan sa rehiyon-PBBM

    BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang kahalagahan ng  Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) para makaiwas sa labanan at i-promote ang kapayapaan sa rehiyon.     “I wish to emphasize once more that global and regional economic governance platforms such as APEC are geared towards averting conflict because sustained prosperity and progress are only possible […]