• April 9, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aminadong napi-pressure kaya dapat niyang galingan: GELA, pinakamatapang at mas palaban kumpara kina ARJO at RIA

NAGING emosyonal si Gela Atayde ginanap na welcome presscon na in-organize ng kanyang talent management na Star Magic, lalo nang mapanood niya ang mensahe ng kanyang Mommy Sylvia Sanchez.

 

 

Para ito sa pagwawagi ng dalaga nina Papa Art Atayde at Sylvia sa World Hip-Hop Dance Championship na ginanap sa Phoenix, Arizona.

 

 

Formal announcement na ito ng kanyang pagsabak sa pag-arte sa pamamagitan ng first series niya sa ABS-CBN, ang “Senior High” na hatid ng Dreamscape Entertainment.

 

 

Natanong si Gela kung ano ba ang mas priority niya ngayon, dancing ba o acting.

 

 

Sagot niya, “Sa totoo lang po acting. Kasi po nu’ng bata pa ako, ako ang buntot ni Mommy.

 

 

“Lagi po akong kasama ni Mommy sa mga taping niya. Nag-audition din po ako sa ‘Goin’ Bulilit’. Pero nang magpaalam na po ako sa school hindi sila pumayag kaya that time po gusto ko nang mag-quit sa Poveda.”

 

 

Natural lang na maramdam si Gela ng matinding pressure ngayong sumabak na rin siya sa pag-aartista.

 

 

Tiyak na iku-compare siya mga mga kapatid na sina Cong. Arjo Atayde at Ria Atayde at sa mommy niya, pawang award-winning sa larangan ng pag-arte. Kumbaga, tatlong walls ang dapat niyang daanan, kaya dapat talaga niyang galingan.

 

 

“Siyempre may pressure po, pero, nandyan po naman si Mommy. Sabi nga niya, ‘nak kaya mo yan. Basta nasa puso mo ang ginagawa mo.”

 

 

Samantala ang inaabangang teleserye na “Senior High” na pinagbibidahan ng hottest teen stars ngayon na sina Andrea Brillantes, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat na nagbigay din ng kanilang ng special messages.

 

 

Sobrang happy si Gela na makakatrabaho ang mommy niya at best friend na si Kyle Echarri.

 

 

“Being part of a family that is passionate about acting has played a huge role in opening my eyes to the beauty of the craft. I am really grateful to all those who paved the way for me to tick another goal off of my bucket list.

 

 

“‘Senior High’ is really gonna be special for me, not only because it’s my first acting gig but also because I’m sharing the camera with my mom,” sabi ni Gela.

 

 

Ready na rin si Gela na harapin ang mga kontrobersya na bahagi talaga ng pag-aartista.

 

 

“Pinakamatapang, mas palaban that’s what my Mom would say nga po. I think yes, I would say in terms of emotion mas straightforward po ako, I’m more frank and honestly that’s one of my fears po na in showbiz. “Baka po I’m too frank naman po kasi I guess in terms of us siblings (Arjo and Ria) I would say ako po ‘yung pinakaprangka and pinaka-real. Hindi po ako takot magsalita,” pahayag pa ni Gelo na introducing nga sa ‘Senior High’ na matutunghayan na simula sa August 28.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Duterte, inanunsiyo ang mga holidays sa 2022

    Maagang inanunsyo ngayon ng Malacañang ang inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte na mga holidays at special workings para sa taong 2022     Ito ay batay sa Proclamation No. 1236 na pirmado ng pangulo na nagtataksa sa mga regular holidays, non-working days, at special working days sa susunod na taon.     “Whereas, for the […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 37) Story by Geraldine Monzon

    SA WAKAS  ay muling nabuo ang pamilya Cabrera. Sina Bernard, Angela at ang anak nilang si Bela. Kaya naman walang ibang nasa isip ngayon ang mag-asawa kundi paghandaan ang selebrasyon para sa pagbabalik ni Bela sa kanilang buhay. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman nila. Nakakuha rin ng magandang tiyempo si Andrea para magpaalam sa kanyang […]

  • Bulacan, tumanggap ng P175M na ayuda mula sa DA para sa binhi at pataba

    LUNGSOD NG MALOLOS– Inihatid ni Kalihim William D. Dar ang sertipiko ng tulong pinansyal para sa binhi at pataba na nagkakahalaga ng P175,923,000 sa lalawigan ng Bulacan sa isinagawang Rapid Damage Assessment on Agriculture and Fisheries na dulot ng Bagyong Ulysses sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito.   Ito […]