• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aminadong nate-tense na sa play nila ni Liza: ICE, halos ma-praning nang magkaroon ng ear infection

Sa pagdiriwang ng Pride Month sa buwang ito, magaganap ang world premiere ng Choosing (Not A Straight Play) mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 7, 2024, sa Power Mac Spotlight Blackbox Theater, Circuit, Makati.

 

 

 

Original play ito na nilikha ng powerhouse LGBTQIA+ couple na sina Ice Seguerra at Liza Dino at ididirek ng kilalang si Dr. Anton Juan.

 

 

 

Isang makabuluhang kuwento ang hatid ng power duo na sinamahan pa ni Dr. Juan na ang kuwento ay tungkol sa pagmamahalang hindi base sa kasarian ng mga tao kundi sa pagmamahal sa isa’t isa.

 

 

 

Ang ‘Choosing (Not A Straight Play)’ ay isang taos-pusong pagsisiyasat ng pagkakakilanlan, pag-ibig, at tapang na maging tapat sa sarili. Isinulat ni Liza, na may karagdagang monologues mula kay Ice, ang play ay hinango mula sa kanilang mga personal na karanasan at koleksiyon ng mga kuwento ng LGBTQIA+ sa loob ng maraming taon. Nag-aalok ito ng kapana-panabik na kuwento na nagbubura ng linya sa katotohanan at kathang-isip.

 

 

 

“We’re not just telling a story, we’re sharing a part of our souls with the audience. It’s about the raw, sometimes painful journey to find not just love, but ‘yung acceptance and happiness lalo na sa society na ginagalawan natin,” kuwento ni Liza.

 

 

 

“My hope is that this play will break barriers to understanding the individual experience of people from the LGBTQIA+ community. Through these stories and shared experiences, we’ll realize that we have more commonalities than differences,” dagdag ni Ice.

 

 

 

“Ang Choosing ay hindi lamang tungkol kina Ice at Liza ukol din ito sa pagtanggap sa mga hindi nakikita at hindi naririnig na mga kuwento sa LGBTQIA+ community at paghahanap ng espasyo para tuklasin ang mga pakikibaka na kanilang kinakaharap sa lipunan at ang mga komplikasyon ng karanasang ito,” sabi ni Dr. Anton.

 

 

 

Samantala, grabe pala ang naging asthma attack na naranasan ni Ice, na naging dahilan para ma-postpone ang ‘Videoke Hits: The Repeat’ noong June 1 at na-move sa June 28.

 

 

 

Hindi lang kasi si nawalan ng boses, nagkaroon pa siya ng ear infection.

 

 

 

Pagbabahagi ni Ice, “Parang ang nangyayari kasi sa akin ‘pag sininisipon ako, bonggang sipon, alam ko na ‘yun. Alam ko na after nu’n hihikain ako and true enough, hinika ako nang bongga.

 

 

 

“So syempre kapag sipon tumutulo ‘yan sa lalamunan mo so na-irritate din ‘yung lalamunan ko.”

 

 

 

“So napaos ako, and then hinika ako, and my ear also. So okay, na halos lahat. The voice is fine, the throat is okay, it’s just my ear, so ano naman na kumbaga, I’m taking meds already, so naghihintay na lang siya talagang… Wala, you really have to let nature take its course,” dagdag kuwento pa ng OPM Icon.

 

 

 

First lang daw ito nangyari sa kanya….

 

 

 

“Yes, kasi first time ko naka-experience ng ganito ah. Nagkaroon ng infection sa ear. Oh my God ang sakit pala talaga, para siyang throbbing in pain tapos pressure na sobrang nakadiin ng ganun…

 

 

 

So imagine mo hindi talaga ako makatulog tapos ito umaabot siya rito (tinuturo ang bandang bibig).

 

 

 

“Tapos parang ito ‘yung jaw ko rito sa left side, hindi ko mabuka. So nakaganyan lang ako kumakain. So hindi ako nakakakain masyado.

 

 

 

“Kaya ayon binigyan na ako ng meds, ng oral antibiotic, ng drops na antibiotic kasi ayun. Medyo nakakapraning siya.”

 

 

 

First time ni Ice sa stage play.

 

 

 

“Oo. My gosh. Medyo nate-tense ako. Kasi sobrang outside of my comfort zone kasi kapag may kantahan syempre alam mo ‘yun wala kang problema doon eh, ito talagang lahat salita eh. I mean may konting kanta pero hindi talaga siya kantahan,” pag-amin niya.

 

 

 

Matagal nang gustong magkasama sa trabaho sina Ice at Liza.

 

 

 

“Well, we always wanted to do something together, whether it be film or ano, because we’re both actors, but the only time we’ve acted with each other was during the (wedding) proposal. Iyon lang.

 

 

 

Never kami nakapaggawa ng any project together.”

 

 

 

Mas sanay nga sa paggawa ng pelikula si Ice at mag-concert, kaya ibang experience talaga ito play.

 

 

 

“Medyo nakakatensyon lang kasi syempre ang daming cues alam mo ‘yun parang kasi ‘di ba like tayo sa film when you say this line parang let say gawin mo itong line na ito. You just have to do your thing. Pero ito it’s theatre parang halos bawat linya meron kaming cue, meron kaming kailangang action na gawin.

 

 

 

“We really need to master the dialogue first and our monologues kasi parang ang nangyayari is pumapasok ‘yung information ng text, pumapasok ‘yung information ng blocking nakaka overwhelm siya.”

 

 

 

Maging bahagi ng makasaysayang kaganapang ito na naglalayong itaas ang antas ng mga pag-uusap tungkol sa pag-ibig, pagkakakilanlan, at pagtanggap. Bilhin na ang iyong tiket ngayon at samahan sila sa pagdiriwang ng Pride Month sa pamamagitan ng isang dula na nangangakong maghatid ng makabuluhang epekto.

 

 

 

Para sa karagdagang impormasyon at upang bumili ng mga tiket, mangyaring bisitahin ang Ticket2Me. Ang presyo ng tiket ay nagsisimula sa Php 1000 para sa Silver, 1300 para sa Gold, at 1500 para sa Platinum.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 2 binata timbog sa marijuana

    KALABOSO ang dalawang binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis na nagpapatupad ng city ordinance sa Lungsod ng Navotas.   Kinilala ni Navotas Police Sub-Station 3 Chief P/Capt. Cyril Lawrence Tubongbanua ang naarestong mga suspek na si Rodelson Roxas, 21 ng Longos, Malabon at Raymart Senolos, 21 ng Dagat-Dagata, Navotas.   Sa […]

  • DepEd , magtatatag ng task force, operation at monitoring center para sa 2022 polls

    MAGTATATAG ang Department of Education (DepEd) ng Election Task Force (ETF) at operation at monitoring center.     Bahagi ito ng ginagawang paghahanda ng DepEd para sa nalalapit na halalan sa bansa.     Sa katunayan, nagpalabas ang DepEd ng “Memorandum No. 10, series of 2022 or the Establishment of the 2022 DepEd Election Task […]

  • Picture nila, pinost pa sa page ng American singer: SHARON, tuwang-tuwa na na-meet ang childhood hero na si BARRY MANILOW

    TUWANG-TUWA nga si Megastar Sharon Cuneta nakapanood siya ng concert ng kanyang idol ni Barry Manilow sa Westgate Las Vegas Resort & Casino International Theater, at na-meet pa niya after ng concert.   Naisingit talaga ito ni Sharon habang may US-Canada tour ang ‘Dear Heart’ concert nila ni Gabby Concepcion at nagtugma naman na wala […]