Amsali, bagong pangil ng Red Lions
- Published on February 21, 2020
- by @peoplesbalita
MABANGIS pa rin ang San Beda University Red Lions sa parating na National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 96 men’s basketball tournament 2020 dahil may mga bagong dating pero astig na tatlong manlalaro.
Sinigurado ng SBU na sasalang pa rin sa kanila bilang ang mga bagito pero may potensiyal na sina Rhayyan Amsali, big man Justine Sanchez at defensive specialist Tony Ynot.
Ayon kay team manager Jude Roque nitong Huwebes, masaya ang Beda sa naging desisyon ng tatlo dahil sila ang mga kapalit sa mga nawalang key player sa nakaraang season.
“They will surely add more depth to our team, which as you all know lost key players from last season,” dada ni Roque. “They will also add championship experience to our young roster, having won the NCAA Juniors title last year.”
Nagpeprepara na ang Mendiola-based squad para nakatakdang pagsisimula nng seniors hoops ng nasabing liga sa Agosto 1.
Pinangunahan nina Amsali, Sanchez at Ynot ang Red Cubs nang tagpasin ang Lyceum of the Philippines-Cavite sa finals at angkinin ang titulo sa juniors division sa nagdaang ediyson ng liga.
Nas 6-foot-3 ang taas, may average si Amsali ng 16.6 points, 9.0 rebounds, 4.1 rebounds at 1.6 steals para sa Red Cubs. (REC)
-
Mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila nakaamba
Nakaamba ang pagpapatupad ng mas istriktong quarantine sa Metro Manila kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, titingnan ang tinatawag na “two-week attack rate” at ang critical care capacity ng mga ospital. Sinabi ni Roque na hindi na maibabalik ang panahon para sa mga hindi sumunod […]
-
MM provincial bus operations posibleng buksan
May mga provincial bus routes papunta at galing sa Metro Manila ang puwede ng muling buksan kung saan sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang ginagawaan ng paraan na mangyari. Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang kanilang ahensiya ay naghahanda na para sa muling pagbubukas ng ilang provincial […]
-
Ads September 17, 2020