• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Anak ng mag-asawang mambabatas, nag file na ng COC sa Malabon

SASABAK na rin sa larangan ng pulitika upang makapaglingkod sa mga Malabonians ang anak nina Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel at An-Waray Party-list Rep. Florencio “Bem” Noel na si District 1 Councilor Regino Federico “Nino” Noel, 28.

 

 

Kasama ang buong pamilya, pormal na naghain ng kanyang certificate of candidacy sa local Commission on Elections (Comelec) office ang batang Noel, Lunes ng umaga matapos ang isang banal na misa na ginanap sa San Bartolome Church.

 

 

Noong August 2021, itinalaga ni President Rodrigo Duterte ang batang Noel bilang bagong kasapi ng Sangguniang Panlunsod (city council) kapalit ng kanyang amain na may sakit na si Councilor Edwin Dimagiba.

 

 

Si Lacson-Noel, ay nakatakda namang maghain ng kanyang COC para sa muling pagiging kinatawan ng lungsod sa Miyerkoles.

 

 

Ayon kay Congw. Jaye, ang kanyang anak ay naging aktibo sa bago ang kanyang appointment, katuwang silang mag-asawa sa panahon ng pandemya sa pagbibigay ng lahat ng uri ng tulong sa mamamayan ng lungsod.

 

 

Dagdag pa ng mambabatas, malaki ang tiwala nito sa anak na magagampanan ang kanyang tungkulin at magiging magandang ehemplo lalo na sa mga kabataan.

 

 

Nakatuon din ang pagbibigay ng tulong ng batang Noel sa mga pangangailang medical ng taga Malabon dahil isa sa prayoridad niya ang kalusugan at pagmamahal sa kalikasan.

 

 

Ani Konse Nino, nais lamang niyang ibahagi ang kanyang kaalaman kung paano ang maging modelong opisyal na mas makapag-aangat pa ng kabuhayan, edukasyon, at kalusugan ng mahal niyang Malabonians. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, magpapartisipa sa ‘Climate Change Convention’ sa Dubai

    NAKATAKDANG lumipad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong  Dubai, araw ng Huwebes, para magpartisipa sa 28th Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28), ilang buwan matapos siyang imbitahin ng United Arab Emirates (UAE) government nito lamang Hunyo ng taong kasalukuyan.     Personal kasi na inimbitahan ni […]

  • Djokovic wagi sa Wimbledon, nasungkit ika-21 Grand Slam

    NATALO ni Novak Djokovic ng Serbia si Nick Kyrgios ng Australia, 4-6, 9-3, 6-4,7-6 (3) para masungkit ang kanyang ika pitong Wimbledon Men’s Title at ika-21 Grand Slam Crown.     Sa panalo ni Nadal kagabi, naungusan na niya si Swiss tennis superstar Roger Federer sa bilang ng mga naipanalong majors. Isang grand slam title […]

  • Alcantara, Gonzales exit sa Men’s World Tennis Tour

    NAPASIBAT agad ang Philippine bet na sina Francis Casey ‘Niño’ Alcantara at Ruben Gonzales sa ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour double first round sa Naples, Florida nang mabigo laban kina third seed tandem Alejandro Gomez ng Columbia at Israel ‘Junior’ Alexander Ore ng USA,  4-6, 6-1, 10-1.     Buwena-manong kompetisyon pa lang […]