• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Anak ni DOJ Sec. Remulla nasa kustodiya ng PDEA matapos pormal na sampahan ng kaso

NASAMPAHAN  na ng kaukulang kaso ang panganay na anak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Juanito Jose Diaz Remulla III.

 

 

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Dir. Derrick Carreon, nakasuhan na si Remulla ng paglabag sa Section 4 o importation of dangerous drugs sa ilalim ng Article 2 ng Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022.

 

 

Bukod pa dito ay nasampahan na rin ito ng kasong paglabag sa Section 1401 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

 

 

Dagdag pa ni Carreon na ang mga kaso ay isinampa ng Las Piñas City Prosecutor’s Office nitong Huwebes ng umaga.

 

 

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng PDEA detention facility nila si Remulla at hihintayin nila ang kautusan mula sa korte.

 

 

Naaresto si Remulla dahil sa pagkustodiya ng kush o tinatawag na mga high grade marijuana.

 

 

Magugunitang tiniyak ng ama nito na si DOJ Secretary Remulla na hindi ito makikialam sa kasong kinakaharap ng anak.

 

 

Samantala, nanindigan ang kalihim na hindi siya makikialam sa kasong kinakaharap ng kanyang anak.

 

 

Siniseryoso niya ang kanyang tungkulin bilang ama at Secretary ng Justice at kinakailangang harapin ng kanyang anak ang kaso. Hahayaan din umano niyang gumulong ang hustisya, habang nagpasalamat naman ito sa PDEA sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

 

 

Mahirap man umano ang pinagdaraanan nila ngayon igagalang nalang niya ang justice system sa bansa.

 

 

Patuloy niyang tutupdin ang kanyang sinumpaang pangako nang tanggapin niya ang naturang posisyon.

 

 

Nauna nang kinumpirma ni Cavite Gov. Jonvic Remulla sa kanyang Official Facebook Page na pamangkin niya si Juanito at panganay na anak na lalaki ni Sec. Boying Remulla.

 

 

Si Sec. Boying ay kasalukuyang nasa Geneva at pauwi pa lamang sa araw na ito.

 

 

Ayon sa ulat, dakong alas-11:10 ng ­umaga noong Martes nang arestuhin sa ikinasang operasyon ang suspect.

 

 

Ang parcel na may tracking number CH 170089152 ay ga­ling sa Estados Unidos ay kabilang sa controlled delivery operation sa bodega malapit sa NAIA kung saan si Juanito ang siyang consignee.

 

 

Isasailalim sa inquest proceedings ang suspek sa Las Piñas Pro­secutors’ Office dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (Daris Jose)

Other News
  • Valenzuela LGU nagbigay ng 4 motorcycle patrols sa Barangay Parada

    NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng karagdagan apat na unit na mga bagong motorcycle patrol sa Barangay Parada para magamit nila sa pagpapatrulya sa kanilang nasasakupan.     Pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang pormal na pagturn-over ng naturang mga motorcycle patrol kay Barangay Parada Punong Barangay John Ajero na ginanap sa 3S Center, […]

  • Tradisyunal na pagtitipon, bawal muna – QC LGU

    LIMITADO na ngayon ang tradisyunal na mga pagtitipon sa lungsod Quezon.     Ito ay dahil ipinagbabawal na ng lokal na pamahalaan  ang iba’t ibang uri ng malakihang mga pagtitipon sa lungsod upang maiwasan ang paghahawaan ng COVID-19.     “Dahil inaasahan na natin ang mga pagtitipon sa mga piyesta, Chinese New Year at iba […]

  • 52 election-related violence incidents, naitala isang linggo bago ang May 9 election – PNP

    NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 52 insidente ng election-related violence sa bansa isang linggo bago ang May 9 national at local elections.     Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nasa 28 mula sa 52 insidente ng election-related violence ang kumpirmadong walang kinalman sa nalalapit na halalan habang nasa 14 […]