Ancajas wagi matapos ma-disqualified ang nakalabang Thai boxer
- Published on September 24, 2024
- by @peoplesbalita
NAGWAGI sa kanyang comeback fight si Jerwin Ancajas matapos na ma-disqualified ang kalaban nitong si Sukpraserd Ponpitak ng Thailand.
Itinigil na kasi ng referee sa ikalimang round sa loob ng 2:34 ng itulak ni Pontipak si Ancajas sa laban na ginanap sa lungsod ng Mandaluyong
Sa mga unang round kasi ay binalaan na ng referee ang Thai boxer subalit hindi ito nakinig kaya pinatigil ang laban.
Binawasan na ng puntos ang 36-anyos na si Pontipak at ito na ring ika-20 pagkatalo sa kaniyang karera.
Mula sa simula ay naging agresibo na si Ancajas kung saan pinabagsak niya ang beteranong si Pontipak.
Mayroon ng 35 panalo apat na talo at dalawang draw na may 23 knockouts si Ancajas.
Ito ang unang panalo niya matapos ang pitong buwan ng talunin siya ni Takuma Inoue sa Japan.
-
Ilang araw na lang ang hihintayin: DENNIS at JENNYLYN, masisilayan na ang kanilang baby girl
ILANG araw na lamang ang ipaghihintay ng Kapuso Power Couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, at masisilayan na nila ang kanilang baby girl. Kaya naman naging aligaga na ang mag-asawa, especially si Jennylyn, sa maternity photo shoot niya, at siyempre pa, sinamahan din siya ni Dennis for some playful couple snaps with […]
-
GSIS non-life insurance premiums, pumalo sa record-breaking na P6.8 B noong 2022
INIULAT ng Government Service Insurance System (GSIS) ang record-breaking P6.8 billion na gross premiums written (GPW) sa kanilang non-life insurance business para sa taong 2022. Ito ang pinakamataas na naitala ng GSIS sa kanilang kasaysayan. Ang 2022 GPW ng GSIS ay tumaas ng 15% mula sa P5.9 bilyong piso noong nakaraang […]
-
Mga suspek sa Salilig hazing, pinasasailalim sa BI watchlist
NAKIKIPAG-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) upang isailalim sa immigration lookout bulletin ang mga suspect sa pagkamatay ng hazing victim na si John Matthew Salilig ng Adamson University. Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. kailangan na maalerto ang Bureau of Immigration upang mapigilang makalabas ng […]