• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ando pasok sa Olympics

Idagdag na ang pangalan ni national weightlifter Elreen Ando sa naunang 10 Pinoy qualifiers para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Ito ay matapos siyang makapasa sa International Weightlifting Federation (IWF) Absolute Continental Ranking for Asia para sa women’s -64 kilogram category ng 2021 Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Kumolekta si Ando ng 26,349,334 points para kunin ang 12th place sa likod ng kanyang binuhat na dalawang silver at isang bronze medal sa nakaraang International Weightlif­ting Federation (IWF) Asian Championships sa Tashkent, Uzbekistan noong Abril.

 

 

Ang 22-anyos na si Ando, ang 2019 Southeast Asian Games silver meda­list, ang ikalawang national weightlifter na sasabak sa 2021 Tokyo Olympics matapos si 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz.

 

 

Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na si Ando ang inaasahang susunod sa yapak ni Diaz bukod pa sa 17-anyos na si Vanessa Sarno.

 

 

Makakasama nina Diaz at Ando sa kampanya sa 2021 Tokyo Olympics sina skateboarder Margielyn Didal, gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena, taekwondo jin Kurt Barbosa, rower Cris Nievarez at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

 

 

Noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil ay 13 national athletes ang naisabak ng bansa tampok ang pagkopo ni Diaz sa silver medal.

Other News
  • “SPIDER-MAN: NO WAY HOME” REVEALS RETURNING FOE IN TEASER POSTER

    THE Multiverse unleashed.  Checkout the official teaser poster below for Columbia Pictures’ new action-adventure Spider-Man: No Way Home, coming exclusively to Philippine cinemas January 08, 2022.     [And watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/iur-ckKj27U]     About Spider-Man: No Way Home     For the first time in the cinematic history of Spider-Man, our friendly neighborhood […]

  • Terence Crawford, looking forward pa rin na makaharap si Pacquiao

    Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si reigning WBO world welterweight champion Terence Crawford na makaharap si Pinoy boxing champion Manny Pacquiao.   Sinabi nito ng kung hindi lamang sa naranasang coronavirus pandemic ay natapos na ang kontrata.   Sakaling hindi aniya siya mapili ng fighting senator ay handa itong harapin ang sinumang nasa 147 […]

  • Hotshots diniskaril ang Tropang Giga

    PINIGILAN ng Magnolia ang pagpasok ng nagdedepensang TNT Tropang Giga sa PBA Finals matapos agawin ang 105-97 panalo sa Game Five ng 2022 Philippine Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Kumamada si veteran guard Mark Barroca ng 25 points, 6 rebounds at 4 assists para idikit ang Hotshots sa 2-3 sa […]