• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANDREA DEL ROSARIO, nabawi ang titulo ng bahay mula sa ‘sindikato’

Nagbunga ang pagiging maingat sa kinikitang pera niya si Ken Chan dahil malapit nang magbukas ang kanyang nilagay na investment sa anim na gasoline stations.

 

Nitong December 18 nagkaroon ng grand opening ang gasoline station business ni Ken na iFuel na may branches sa San Fernando, Pampanga, Baliuag, Bulacan, Angeles, Pampanga, Cebu, Alfonso at Tanza, Cavite.

 

Sey ni Ken, childhood dream niya ang pagkakaroon ng gasoline station.

 

“Bata pa lang ako, dream ko na magkaroon ng gasoline station. ‘Di ko alam kung bakit at ‘di ko alam na mararating ko siya kaya thank you, Lord.”

 

Dahil na rin sa sipag sa kanyang trabaho ay nagawa niyang makapag-ipon at mag-invest sa isang business na alam niyang walang lugi.

 

“Siyempre, may mga taong tumulong sa ‘kin, also my family. And sobrang blessed ako na makilala ko ‘yung business partner ko. Narating ko ‘yung pangarap kong magkaroon ng gasoline business because of GMA-7 and also because of mga Kapuso na sumusuporta at nagmamahal sa ‘tin na patuloy lang na and’yan. Sila talaga ‘yung malaking dahilan kung bakit nararating ko ‘yung mga pangarap ko sa buhay.”

 

Sey pa ni Ken na perfect timing ang pagsisimula ng negosyo dahil ang pagkakaroon ng extra income ang isa sa mga natutunan niya matapos maranasan ang COVID-19 pandemic.

 

“Habang andito kami sa showbiz, meron tayong mga ginagawang business na kailangan talaga because maraming pina-realize sa ‘tin ang 2020 at isa na dito ‘yung mag-ipon, magtipid, at magkaroon ng business. At ito talaga ang pinakaplano ko for 2021, ang magkaroon ng hanapbuhay bukod sa showbiz at sana i-bless tayo ni Lord ng magandang business.”

 

*****

 

Kung meron mang magandang naidulot ang pandemic kay Andrea del Rosario, ito ay ang nakapagpatayo siya ng business para sa kanyang pamilya at ang maibalik sa kanya ang unang binili niyang bahay.

 

Thankful si Andrea dahil bumuhos pa rin ang biyaya sa kanilang pamilya sa mga pagsubok ng 2020. Natapos din ang pinatayo niyang paycenter.

 

“That was supposed to open before the pandemic. Kaso nagkaroon ng lockdown kaya ilang buwan natigil yung construction. Pero tapos na siya and nakuha na namin ang mga kailangan na permits. We opened our paycenter, pero hindi pa rin full blast….. but it’s for my family.”

 

Ang pinakabonggang blessing ay nangyari noong October nang mabawi ng aktres ang titulo ng unang bahay na binili niya sa BF Homes Parañaque noong 2005.

 

Post ni Andrea sa Facebook: “Around 15 years ago,  this was the first house I  bought when I became an actress (the house was even featured in the abs-cbn magazine at that time) . Shortly  after I paid for the property someone contested regarding my ownership of the said house. To make the long story short, I got involved w/ a “syndicate” and because of failing to post bond I lost possession of the house and have been in this  case battle for years. Until recently, because of an amazing legal team, I won the case!  In the next few days, with the help of the sheriff I will finally get the possession of the house again!  More than  15 years of heartache. God you re truly amazing! Thank you, Lord.”

 

Pina-renovate agad ni Andrea ang naturang bahay at paparentahan niya ito sa isang kaibigan.

 

*****

 

Ang American talk show host na si Howard Stern naman ang nagigiit sa kontrobersya dahil sa maling pagtrato nito sa kanyang mga tauhan sa kanyang radio show.

 

Claim ng ilan na much worse daw si Stern kesa kay Ellen DeGeneres.

 

Kuwento ni Scott Salem, a longtime engineer of the show, created a GoFundMe page para sa kanyang misis na may non-Hodgkin’s lymphoma. Imbes daw na tumulong si Stern, sinabihan pa niya si Salem na huwag banggitin ang name niya sa crowdfunding page.

 

Kahit na walang mention ng name ni Stern, nakalikom pa rin ng $73,000 si Salem na hindi ikinatuwa ni Stern. Ang ginawa ni Stern ay pinatanggal niya sa show si Salem after 33 years na nagtrabaho sa kanya.

 

“This has really bothered me. It’s really sad. His wife ends up dying. Howard doesn’t even go downstairs and offer Scott his condolences. Everyone falls from grace with Howard. Everyone hates him!” sey ng isang employee.

 

Sey naman ni Steve Grillo, tinatrato raw sila ni Stern na parang mga alipin.

 

“From 1992 until 1997, I was just working for free still as an ‘intern.’ That’s what my title was. But I was definitely a producer. The amount of responsibilities I had was through the roof. That’s slave labor. I was a slave. You can’t have people work 60 hours a week and not pay them.” (RUEL MENDOZA)

 

Other News
  • ‘Di dapat ginagawa yun lalo na babaing minamahal… Sa pananakit ni KIT kay ANA, nahihiya si Sec. ROQUE bilang lalaki

    MAGAGANAP sa Biyernes ang launching ni Bea Alonzo bilang bagong Brand Ambassador ng Beautederm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.     Ito ang bagong dagdag sa mga endorsements ni Bea. Two of her new endorsements are Century Tuna at Kopiko Blanca.     Laging bongga ang launching ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan. Ano naman […]

  • Pinocchio Writer-Director Guillermo del Toro Finds His Next Stop Motion Project, ‘The Buried Giant’

    GUILLERMO del Toro, fresh off his success with Guillermo del Toro’s Pinocchio, has already found his next stop-motion project.     Earlier this year, Guillermo del Toro’s Pinocchio opened to rave reviews from critics and commercial success, as it currently holds a 97 percent rating from critics and 91 percent from viewers on Rotten Tomatoes. […]

  • 171 kabataang Bulakenyo, lumahok sa Summer Sports Clinic 2022

    LUNGSOD NG MALOLOS – May 171 kabataang Bulakenyo ang lumahok sa isinagawang Summer Sports Clinic 2022 Mass Graduation kamakailan sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.     Ayon sa Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office (PYSPESO), ginanap ang nasabing sports clinic sa Bulacan Sports Complex sa Brgy. Santa Isabel mula Mayo […]