ANDREA, excited na bagong project kahit umeere pa ang ‘Legal Wives’; pagtatambal nila ni JOHN LLOYD, malabo pa
- Published on September 20, 2021
- by @peoplesbalita
LEGAL na ang pagsasama ng mga Kapuso stars na sina Mark Herras at Nicole Donesa ang kanilang pagsasama.
Nagpakasal na nga ang dalawa noong September 8 sa Quezon City Hall.
Kasabay ng pag-announce nila sa kanilang mga social media accounts ay ang pag-upload ng kanilang civil wedding video sa kanilang YouTube vlog.
Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nag-officiate ng wedding nila at ayon kay Nicole, biglaan at mabilis lang daw nangyari ang lahat. Kaya ramdam nila na gusto raw talaga ni Mama Mary na makasal na sila.
Dahil na rin sa pandemic kaya civil wedding muna at halos lima lang daw silang present, kabilang na rito ang tumayong witness at principal sponsors nila. Tuloy pa rin daw ang plano nilang church wedding at mas malaki.
Nagkataon din na nasa States ang mga magulang ni Nicole kaya siyempre, gusto rin nila na present ang mga ito during their church wedding.
Si Nicole naman, ang caption niya, “We tied the knot on Mama Mary’s birthday.”
American citizen si Nicole, kaya kung sakali at maisipan nilang manirahan sa America, pwedeng-pwede.
***
BUKOD sa mini-series na ginawa ni Andrea Torres kunsaan, kapareha niya si Kylie Padilla, ang BetCin na ipalalabas sa WeTV at iFlix, excited na raw ito dahil may bago siyang project na gagawin sa GMA-7.
Kasalukuyan pa rin umeere ang primetime series niya sa GMA-7 na Legal Wives at kahit excited na sa bagong project, hindi pa rin daw niya ito mairi-reveal.
“Ako kasi, hangga’t hindi pa talaga nag-start, ayoko munang magsalita. Pero sobra kong excited kasi, first time ko lang siya magagawa. “Sabi ko nga, itong year na ‘to, sobrang daming breakthrough na nangyari, ‘Yung BetCin, Legal Wives and then itong new project na gagawin ko.”
Hindi naman masagot ni Andrea kung totoo nga bang shelved o hindi na matutuloy ang sitcom na pagsasamahan daw nila ni John Lloyd Cruz.
“Wala talaga ‘kong alam, e, kasi, wala naman din kumakausap sa akin. So, hindi ko alam kung ano na ‘yung nangyari.”
Hindi rin naman daw siya nakaramdam ng lungkot or anything kung hindi man ito matutuloy dahil katwiran niya, kahit noong nababalita at marami na ang nagtatanong sa kanya, hangga’t walang formality na kinausap na siya, hindi raw niya ito inisip na kanya o nag-claim na siya.
“Pero siyempre, natuwa naman po ako noong ayoko ‘yung parang kinokonsider na makakapareha niya. Kasi ever since naman, sinasabi ko talaga na isa si John Lloyd Cruz sa dream ko na maka-trabaho.”
(ROSE GARCIA)
-
Hiling ni Fernandez kay Pacquiao…
Isa pang laban bago magretiro! Ito ang pananaw ni chief trainer Buboy Fernandez kung saan hangad nitong magkaroon ng engrandeng pagtatapos ang boxing career ni People’s Champion Manny Pacquiao. Nais ni Fernandez na makabawi si Pacquiao matapos ang masaklap na unanimous decision loss kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis […]
-
Cong. Tiangco nagpositibo sa COVID-19
Inanunsyo ni Navotas City Congressman John Rey Tiangco na positibo siya sa COVID-19 makaraang lumabas sa kanyang RT-PCR na kumpirmado ang naging resulta nito. Sa post niya sa kanyang facebook account, unang sinabi ni Cong. Tiangco nagpositibo siya sa kanyang antigen test kaya’t agad siyang nagpa RT-PCR test. “Mabuti naman po […]
-
‘BOXED’
THE Philippines recent May 9, 2022 General elections for the Executive and Legislative branches, new and re-elected politicians are now working with or against the clock from the day they assumed office. Hope’s and expectations are indeed high, for them to prove that they are worthy of their salt. (Salt was highly valued in ancient […]