• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Andrea, magiging masaya pa rin ang Pasko dahil sa pamilya

HINDI dahilan ang pakiki- paghiwalay ni Andrea Torres kay Derek Ramsay para hindi maging masaya ang Pasko niya.

 

Tuloy ang Pasko ni Andrea dahil nandiyan daw ang kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya unconditionally.

 

“Ngayon ang importante is ‘yung bonding ng family. Ever since naman ‘yun ang number one sa lahat: to make sure na makapag-bonding kami and ma-spend namin ang Christmas na kasama lahat ng mga mahal namin sa buhay.

 

“Feeling ko ngayon mas magiging meaningful kasi hindi mo na muna iisipin kung saan kayo magta-travel o ano’ng gift ang ibibigay mo. It’s more of celebrating na maayos kayong lahat, nakakakain kayo, at siyempre ang totoong meaning ng Christmas is ang Panginoon,” sey ni Andrea.

 

Sinisikap din ni Andrea na makatulong sa ibang tao sa paraan na kaya niya. Pinagdarasal niya ang kalusugan ng maraming taong malapit sa kanya.

 

“Ngayon ang importante is magtulungan tayong lahat, especially ngayon na napakahirap ng nangyayari sa mundo, so importante talaga na ibigay natin ang positive energy and i-remind natin ang isa’t isa na there’s something to look forward to.

 

“Importante na ma-enjoy pa rin natin ang Pasko, maging healthy tayong lahat, kasama natin ang pamilya natin, and i-count natin ang blessings na mayroon na tayo.”

 

Magsisimula na rin si Andrea sa lock-in taping ng GMA teleserye na Legal Wives with Dennis Trillo, Bianca Umali, Alice Dixson and Ms. Cherie Gil.

 

*****

 

NASA final stretch na ng kanyang pagbubuntis ang Kapuso singer na si Maricris Garcia.

 

Pumasok na si Maricris sa ika-33rd week ng kanyang pregnancy at ini-expect niya at ng kanyang mister na si TJ Cruz na ngayong December na isisilang ang first baby nila.

 

Four years nga nilang hinintay na magkaroon ng baby kaya panay ang dasal nilang mag-asawa na isang healthy baby ang isisilang ni Maricris.

 

Sa latest Instagram post ni Maricris, pinost niya ang latest sonogram ng baby nila: “So excited to meet this little person who is half me and half the person I love.”

 

Isang baby girl ang isisilang soon ng Kapuso singer.

 

*****

 

KAHIT may pandemic, naging fruitful ang taong 2020 para sa Hollywood actress na si Lily Collins.

 

Last September ay na-engage si Lily sa kanyang boyfriend na si Charlie McDowell. Naging hit sa Netflix ang pinagbidahan niyang series na Emily In Paris na magkakaroon ng second season. At ang tinatawag niyang “icing on the cake” ay ang mapasama siya sa pelikulang Mank na dinirek ni David Fincher at isa ito sa contenders for the Oscars.

 

Mank is a glittering tribute to old Hollywood. Set in 1940 and filmed in luminous black and white, it tells the semi-fictionalized story of screenwriter Herman J. Mankiewicz as he struggles to pen one of the greatest movies of all time: Citizen Kane (1941). Bida rito ay ang Oscar winner na si Gary Oldman as Mank.

 

Nag-audition lang daw si Lily via Zoom at noong makuha niya ang role, inayos ang kanyang schedule para matapos niya ang kanyang series sa Paris at makapag-shoot siya ng movie sa Los Angeles.

 

“It happened really quickly and I couldn’t stop and think about it because the end result was going to be that I could work on both, one after the other.” (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Kelot isinelda sa pananaksak sa kapitbahay sa Valenzuela

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 29-anyos matapos pagsasaksakin ang kanyang kapitbahay makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Valenzuela City.     Ayon kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na kinilala bilang si Marc Ale Canuto, 29 ng Dela Cruz, Dulong Tangke, Brgy. Malinta.     […]

  • Ads June 30, 2021

  • Halos 4M kabataan, nakinabang sa nagpapatuloy na feeding program ng pamahalaan – DSWD

    UMABOT na sa halos apat na milyong mga kabataang ang nakinabang sa nagpapatuloy na supplementary feeding program ng pamahalaan.     Ito ay simula ilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing programa mula 2021 hanggang nitong Hunyo-30 ng taong kasalukuyan.     Ayon sa DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang pagpapatuloy ng […]