• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANDREA, nakabibilib sa pag-handle ng break-up at pag-move on kay DEREK na mabilis na nakahanap ng kapalit

HINDI biro ang naging investment ng Kapuso actress na si Andrea Torres sa relasyon nila ni Derek Ramsay hanggang biglang umamin ang huli na break na nga sila.

 

 

And months after, may nahanap na agad na kapalit ni Andrea ang actor, na as we all know, ang ina ng anak ni John Lloyd Cruz na si Ellen Adarna.

 

 

Pero bilib talaga kami kay Andrea kung paano niya na-handle ang break-up at kung paano siya nag-move-on dito.

 

 

With all “class.”

 

Nag-guest si Andrea sa TBATS (The Boobay and Tekla Show) at ito na yata ang pinaka-close sa nagsalita si Andrea about the break-up o kung kumusta na ang puso niya ngayon.

 

 

Pero husay ni Andrea na sumagot na hindi niya kailangang magsalita about the break-up at compose pa rin.

 

 

Ayon dito, masaya naman daw ang puso niya. Hiningan pa ito ng percentage kung nasaan na raw ang happiness ng heart niya na natatawang sinagot naman ng actress na 8.5%.

 

 

Sinagot niya ang tanong kung may tips ba ito kung paano mag-move-on para sa masakit na hiwalayan.

 

 

Sey niya, mag-focus ka sa sarili mo. Gumawa ka ng mga bagay na nagpapasaya sa ‘yo saka mga bagay na hindi mo pa nata-try dati. I-discover mo pa yung sarili mo.”

 

 

     Walang mga pangalan na binabanggit o totoong situwasyon na pinanggagalingan, pero naitawid nina Boobay ang mga tanong kung nakakaramdam daw ba si Andrea ng selos na sinagot nito nang, “wala.”

 

 

Kung nanghinayang ba siya, sinagot pa rin ito ni Andrea nang, “Meron.” Pero sabay kambiyo na nanghinayang daw siya dahil noong simula pa lang ng 2020, ang dami na sana niyang plano na hindi natuloy, huh!

 

 

Si Andrea ay isa sa mga leading ladies ni Dennis Trillo ngayon sa bagong serye ng GMA-7 na Legal Wives. 

 

 

***

 

 

ANG dati pang nali-link or rumored na naging mag-sweetheart daw na sina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix ang susunod na mapapanood sa I Can See You na may pamagat na “Future.”

 

 

Simula sa April 5 hanggang sa April 9.

 

 

Pero may fan base na rin talaga ang dalawa na napanood sa Kambal, Karibal ng GMA-7 dahil hindi pa man nagsisimula ang kanilang mini-series, marami na agad ang sumuporta at na-excite.

 

 

Umabot na nga agad sa kulang 1 million ang likes at may 5k comments na agad ang behind the scene photo nila sa GMA Drama Facebook page.

 

 

Bukod pa rito, may mga nakapansin din ng pagkakahawig daw ng dalawa at kinilig ang mga ito na may kasabihan daw na kapag magkahawig, yun ang nagkakatuluyan.

 

 

Well, nothing is impossible with the two.  (ROSE GARCIA)

Other News
  • SARAH, mukhang nakipagbati na kay MOMMY DIVINE; MATTEO, pinayuhan ng netizens na magpa-good shot

    MUKHANG nagkabati na sina Sarah Geronimo at Mommy Divine.     Nag-react nga ang netizens at Popsters sa latest post ni Sarah sa kanyang Instagram Stories na kung saan ipino-promote ng singer-actress ang mga organic products na nagmula sa farm ni Mommy Divine sa Tanay, Rizal.     Sa mga litrato ng fruits and vegetables […]

  • FDA, pinagpapaliwanag sa kakulangan ng aksyon sa 600 applications

    Pinagpapaliwanag na ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Food and Drug Administration (FDA) dahil sa kawalan ng sapat na aksyon sa 600 applications ng pharmaceutical companies.     Sa dalawang pahinang show cause order na may lagda ni Atty. Jedrek Ng, director ng Investigation Enforcement and Litigation Office, binibigyan ng direktiba ang FDA na agad […]

  • Guillermo: Ang Handog ng Obra dominates 4th SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special

    CITY OF MALOLOS – The documentary film “Guillermo: Ang Handog ng Obra” bagged four major awards and took home a total of P170,000 cash prize during the 4th SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special held at the Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Cultural Center in this city recently.     Featuring the life, journey, […]