• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANDREW, palaban at walang uurungan sa mga kakaibang roles; dream project na makagawa ng BL series

DREAM project pala ng Kapuso actor na si Andrew Gan na makagawa ng BL o Boys’ Love series bago pa ito sumikat dahil malaking challenge ito sa para sa kanya.

 

 

At mukhang dininig na ang pinag-pray niya dahil dumating na ang inaasam-asam na project sa pagkakapili sa kanya na maging lead sa BL series na Limited Edition.

 

 

Sa naturang serye, makaka-partner niya si Jomari Angeles at kasama rin si Ron Angeles at mga premyadong aktres, na mula sa direksyon ni Jill Singson na soon ay mapapanood sa YouTube channel ng Bragais TV.

 

 

Sa pagkukuwento ni Andrew sa kanyang gagampanan, “ang role ko po is si Jethro. Goal driven, successful siya sa work, heartthrob, nasa kanya na lahat, then nagbakasyon siya sa Pilipinas from New york.

 

 

Hindi siya masaya sa life kahit nasa kanya lahat, until mameet niya si Mario(Jomari Angeles). Isang probinsyano na hindi masyado kagwapuhan. At magugustuhan niya at muling nagseryoso. Nasaktan na kasi siya before kaya di na muli nagmahal.

 

 

      Game at ready naman si Andrew sa hubaran kung kakailanganin sa eksena, wala raw siyang uurungan dahil palaban talaga ang aktor sa ano mang roles na nakukuha niya.

 

 

Pero sa tingin niya, magiging proud siya sa series na ito, na hindi lang basta hubaran, dahil maipagmamalaki nila ang kakaibang story ng pagmamahalan ng two guys na sesentro talaga sa feelings.

So far, ang pinaka-daring na nagawa niya ay nag-crossdress siya sa ‘Mga Batang Poz’ na mas matindi pa raw ang gagawin niya sa Season 2, kaya kailangan niya itong paghandaan, hindi lang emotionally, pati ang pagpapa-slim.

 

 

Patapos na rin ang shoot ng romcom movie na Crazy In Love With You with Claire Ruiz and Miko Raval. Malapit na uli siyang mapanood sa isang Kapuso series.

 

 

Bukod sa pagiging aktor, business minded din si Andrew, kahit naapektuhan siya ng  pandemic, muli niyang binuksan ang Releaf Massage and Nail Spa.

 

 

Dahil mahusay siya magluto, dahil graduate siya ng Culinary, abala rin siya sa online selling ng putahe sa kanyang Kusina Express by Drew. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Ando pasok sa Olympics

    Idagdag na ang pangalan ni national weightlifter Elreen Ando sa naunang 10 Pinoy qualifiers para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Ito ay matapos siyang makapasa sa International Weightlifting Federation (IWF) Absolute Continental Ranking for Asia para sa women’s -64 kilogram category ng 2021 Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto […]

  • Ads September 18, 2021

  • Ilang mga NBA legends naimbitahan maging audience sa NBA Finals

    PINANGUNAHAN nina NBA legend Kareem Abdul-Jabbar at Shaquille O’Neal sa mga sikat na personalidad na magiging virtual audience sa unang laro ng NBA Finals sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat.   Ilan sa mga kasamang magiging audience ay ang mga NBA legends gaya nina Bill Walton, Clyde Drexler, Dirk Nowitzki, Dwayne Wade, […]