• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Angara, opisyal nang uupo bilang Kalihim ng DepEd

OPISYAL nang uupo bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd) si Senador Sonny Angara.
Sa isang simbolikong paghahayag sa isinagawang turnover ceremony sa DepEd Complex sa Pasig City, iniabot ni Duterte kay Angara ang ‘seal at flag’ ng departamento.
“Napakalaking karangalan po ang ipinagkaloob sa atin ni Pangulong Bong Bong Marcos upang maglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon,” ayon kay Angara.
“Buong pagpapakumbaba kong tinatanggap ang katungkulan na ito, bilang tugon sa tiwala at hamon ng ating Pangulo na higit na pag-ibayuhin ang mga programa na magsusulong sa mataas na kalidad ng karungan para sa ating mga mag-aaral,” dagdag na wika ni Angara.
Sa kabilang dako, pinuri rin ni Angara si Duterte sabay sabing “Sa loob ng dalawang taon, kayo ang naging sandigan ng ating mga mag-aaral at ng mga guro sa panahon ng mga suliranin.”
“We will build from what you have already started,” ang sinabi nito kay Duterte.
Noong nakaraang buwan ng Hunyo, n agbitiw sa puwesto bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) si Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na personal na nagtungo kahapon ang Bise Presidente sa Malakanyang bandang alas-2 ng hap on ng Hulyo 19 para ibigay ang kanyang resignation letter.
Ayon kay Garafil, bukod sa pagiging miyembro ng Gabinete, nagbitiw din si VP Duterte bilang vice chairman ng National Task Force-to End Local Comnunist Armed Conflict (NTF-eELCAC).
Hindi umano nagbigay ng dahilan si Duterte kung bakit siya umalis sa kaniyang mga posisyon.
She will continue to serve as Vice President. We thank her for her service,” ani Garafil sa inilabas na pahayag.
Si Duterte at runningmate ni Marcos sa nagdaang Eleksyon 2022 sa ilalim ng koalisyon ng UniTeam.
Kamakailan lang, inihayag ni First Lady Louise ”Liza” Araneta-Marcos, na “bad shot” sa kaniya si Duterte dahil sa pagtawa umano nito nang pasaringan ng kaniyang ama na si dating Pangulong President Rodrigo Duterte, na “bangag” ang kaniyang mister na si Marcos.
Nangyari ang insidente sa isang pagtitipon kontra sa Charter Change noong Enero sa Davao City.
Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na walang problema sa kanila ni VP Duterte, at wala siyang nakikitang dahilan para magpalit ng kalihim ng DepEd. (Daris Jose)
Other News
  • PBBM, tiniyak na may sapat na stock ng bigas ang Pinas

    TINIYAK ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  na may sapat na  stock o imbak ng bigas  ang Pilipinas na tatagal hanggang matapos ang El Nino phenomenon sa susunod na taon.     Nauna rito, nakipagpulong si  Pangulong Marcos sa pangunguna ng Private Sector Advisory Council at Philippine Rice Stakeholders Movement (PRISM) sa Palasyo ng Malakanyang. […]

  • Ardina bumawi sa ST 2nd leg, biniyayaan ng P221K

    NASIRA si Dottie Ardina sa third at final round sa likod nang malamyang four-over par 74 pa-three-under 213 aggregate upang humilera anim para sa ikalimang puwesto na may $4,558 (₱221K) bawat isa sa pagtiklop nitong Lunes ng 16th Symetra Tour 2021 second leg – $150K IOA Championship – sa Morongo Golf Club-Tukwet Canyon sa Beaumont, […]

  • DOH, target ang 80% vaccine coverage sa seniors, persons with comorbidities bago pa mag-shift sa Alert Level 1

    SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na 80% ng mga senior citizens at persons with comorbidities ang dapat na mabakunahan sa isang lugar bago pa ibaba sa Alert Level 1.     “Before ma-deescalate, kailangan 80 percent ng A2 at A3 ay kanilang maabot. Kung hindi makarating sa panukatan na ‘yan ay hindi tayo […]