• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANGEL, mawawalan ng mga posibleng roles na puwede pang magampanan dahil sa laki ng itinaba

SOBRANG laki na ni Angel Locsin. 

 

 

May nakita kaming recent picture niya na kunsaan, naka-long dress ito at nagulat kami dahil ang laki ng itinaba niyang talaga.

 

 

Kung health related ang nagiging weight gain ni Angel, sana nga ay ma-address ito ng maayos dahil nakahihinayang din kung dahil sa paglaki ng timbang niya, maraming posibleng roles ang hindi niya magampanan.

 

 

Ang sa amin ay panghihinayang at hindi para mag-body shaming. Nasa estado pa si Angel to play the role of a leading lady. Marami pa siyang puwedeng magawa at aminin man o hindi, kaya nga karamihan ng mga artista, karir, effort to the max ang pagdyi-gym, diet at pag-eexercise dahil isa sa requirement naman talaga ang magandang pangangatawan.

 

 

***

 

 

SA interview ni Bea Alonzo sa pep.ph, nabanggit niya kung bakit siya napa-oo sa isang movie, ang remake ng Korean film na A Moment to Remember under VIVA Films.

 

 

Bukod sa gusto raw niyang maka-trabaho rin si Alden at napag-usapan din nila na sana ay makagawa nga sila ng movie nang magkasama sila sa isang TVC, napanood daw niya ang Hello, Love, Goodbye kunsaan, personal siyang inimbita ni Kathryn Bernardo ay sa message pa nito, na gusto siyang maka-trabaho ni Alden.

 

 

Nang batiin daw niya through text ang mga ito, si Alden through Kathryn, sinabi rin muli na gustong-gusto siyang maka-trabaho, do’n pa lang daw, alam na niya ang posibilidad.

 

 

Excited na raw si Bea na masimulan nilang i-shoot ang movie. Though sa part niya, hindi pa raw niya pinapanood ang Korean film at wala rin daw siyang idea kung napanood na ni Alden.

 

 

Pero mukhang from their TVC in Bangkok, nakapag-build -up na rin sila ng friendship dahil ayon kay Bea, nagte-text daw si Alden sa kanya paminsan-minsan.

 

 

***

 

 

NGAYONG gabi na ang pilot episode ng bagong serye ng GMA-7, ang Owe My Love na pinagbibidahan nina Benjamin Alves at Lovi Poe na produced ng GMA News Public Affairs.

 

 

Hindi na mabilang ni Benjamin kung gaano na karami ang pinagsamahan nilang proyekto ni Lovi. Pero ang sigurado, ang actress ang una niyang leading lady sa pelikula.

 

 

     “Nagugulat kami na ang tagal na naming magkaibigan. Nine years and all of nine years, nagsimula ako sa showbiz, kilala ko na ang Lovi. Bilang sa first project ko, siya na po ang leading lady ko.”

 

 

     Maganda ang chemistry nilang dalawa, kaya naitanong nga kay Benjamin kung hindi ba sila talaga nag-attempt na maging real ang mga reel tandem nila.

 

 

“Sa akin po, I’ve always been attractive to Lovi. Hindi lang po talaga nag-mature into a relationship.  Attracted po at nang mas makilala ko siya bilang kaibigan, attractive po talaga siya.

 

 

    “Pero wala e, I guess, kaya kami 9 years na magkaibigan at kahit isang drama, wala kaming pinagdaanan. Yung samahan namin, puro masaya.

 

 

“But of course, we’ll never know but now, I’m happy that we’re friends at pareho naman kaming masaya sa buhay namin.”

 

 

Sa isang banda, ginagampanan ni Benjamin sa Owe My Love ay isang doctor na dahil sobrang nahihilig na rin siya sa mga k-drama at gayundin si Lovi, ito rin daw ang nag-recommend sa kanyang panoorin niya ang Romantic Doctor.  At ang bida rito na si Han Suk-kyu ang naging peg na rin rind aw niya sa kanyang character.  (ROSE GARCIA)

Other News
  • Gawad Kalasag Seal of Excellence Award muling nakuha ng Malabon LGU

    SA ikalawang pagkakataon, muling nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang Gawad Kalasag Seal of Excellence Award at “Beyond Compliant” mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Councel (NDRRMC).     Ito’y sa katatapos lamang na Gawad Kalasag National Awarding Ceremoney na ginanap noong December 11, 2023 sa Manila Hotel, Ermita Manila.     […]

  • Herd immunity sa Maynila kayang maabot hanggang Setyembre

    Tiwala ang Manila City Governments na makakamit nila ang herd immunity hanggang sa Setyembre.     Ito ay dahil sa tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagpapabakuna sa mga residente doon.     Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na mayroong mahigit 35,000 kada araw silang nababakunahan mula ng palakasin ang vaccination drive ng city government.   […]

  • Iloilo City gov’t nagpaliwanag sa maling brand ng bakuna ang naiturok sa vaccinee

    Nagpaliwanag ang Iloilo City government kasunod ng reklamo ng isang vaccinee na binakunahan ng first dose ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na Sinovac ngunit para sa kanyang second dose, Moderna na ang naiturok sa kanya.     Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na base sa naging […]