ANGELI, umaming suportado ng ina sa pagpapa-sexy na taliwas sa amang Korean general; bida agad sa second movie
- Published on November 12, 2021
- by @peoplesbalita
MASUWERTE ang dating cosplayer na si VMX Crush Angeli Khang dahil second movie pa lang niya sa Viva Films na nagsi-celebrate ng 40th Annivesary ngayong November, ay bida na agad siya.
Una ngang nagpakita ng alindog ang Fil-Korean star sa erotic film na Taya, na kung saan nakasama rin niya ang in-demand young sexy actor na si Sean de Guzman, na leading man niya ngayon sa isa na namang sexy films ang Mahjong Nights na streaming na ngayon sa Vivamax.
Ayon sa 20-year sexy star, “It made me say ‘yes’ nung nalaman ko yung story niya hindi lang basta may magawa, talagang the details, the research, the mental health, the emotions and everything, on point siya.
“Na-feel ko talaga sa sarili ko na kung nangyayari ito hindi pa sa pandemic, na–sad ako na dumami pa yung cases nung nagkaroon ng pandemic. So seeing the comments of some people who judged kagad yungcpagka erotic in a bad way, inaanyayahan ko kayong panuorin itong Mahjong Nights at talagang it’s an eye-opener to all.
“I hope na magustuhan niyo dahil marami kaming mga pasabog dun. After watching the movie I’m sure madaming maiiwan na feelings sa inyo kaya panuorin niyo ‘to.”
Hindi nga naging madali ang desisyon niya na pasukin ang showbiz na nagsimula sa pagmo-model at pagko-cosplay, lalo pa nga’t isang Korean general pala ang kanyang ama.
Kuwento pa ni Angeli na sinasabing next important star ng Viva Films, “When he knew about my modeling he wasn’t supportive kasi ang gusto niyang mangyari sa akin ay sundan yung landas niya sa army and he said that it has a lot of better opportunities din.
“But my heart and mind tell me na gustong gusto ko talaga ‘to kaya I got consent from my mom and she told me to just do whatever makes me happy and I’m thankful that my mom is supportive.
“And I think I’ll have a lot of explaining to do to my dad.”
Buti na lang at very supportive sa showbiz career niya ang kanyang mommy.
Pahayag pa niya, “It’s really hard na i-explain sa mom ko but I’m thankful to end up na sobrang supportive niya sa akin and sabi niya as long as I’m happy with what I’m doing and wala akong tinatapakan na tao then she’ll be a supportive mother.”
Dagdag kuwento pa ni Angeli, ang real name niya ay Agnes Khang at nagmula siya sa isang conservative family.
“Nag-start ako 2017 as a cosplayer and from there on yung mga tao nagpapa-picture sa akin, dun ko na-realize that I enjoy being in front of the cameras and nung may nag-invite sa akin maging model, grinab ko na talaga yung opportunity na yun kasi alam ko na hindi ako magiging mahiyain sa harap ng camera at dream ko talaga maging artista.”
Nang nakita raw ng manager niya na si Jojo Veloso na may potential kaya inaya siya na maging part ng Viva artists.
Aminado naman si Angeli dahil sa kagustuhan niyang mag-artista, meron siyang kailangang isakripisyo.
“Kaya nung nagkaroon ako ng opportunity, I left my school dahil isang opportunity lang ito sa buhay. But after that, I’m planning to be a chef or lawyer but I want to be successful and focus on my career muna.”
Sabi naman niya tungkol sa Mahjong Nights, “pinaghandaan ko itong movie na ‘to and sa ganitong mga scenes dahil sabi ng manager ko kunin ko daw itong obstacle na ‘to sa buhay as my stepping stone and work hard on it so that when the people see your effort, sila na mismo ang tutulong sa ‘yo.”
Kasama rin nina Angeli at Sean sa Mahjong Nights sina Jay Manalo, Mickey Ferriols, Arnell Ignacio, Maricel Morales at Jamilla Obispo.
Ang newest erotic drama film ng Vivamax ay mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo.
Napapanood na nga ang lahat ng contents ng Vivamax sa Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, sa Middle East at Europe.
At simula sa November 19 paparating na rin ang Vivamax sa USA at Canada na mag-subscribe na.
(ROHN ROMULO)
-
Olympic at SEAG-bound delegates babakunahan na sa Biyernes
Sa Biyernes sisimulan ang pagtuturok ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines sa mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at sa Southeast Asian Games. Gagawin ang bakunahan sa Manila Prince Hotel sa San Marcelino St. sa Maynila, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino. “Ang […]
-
Ads July 2, 2020
-
OFW remittances, tumaas ng 3% – Bangko Sentral ng Pilipinas
TUMAAS ng 3 porsyento ang mga personal remittances mula sa mga Overseas Filipino Worker hanggang $2.9 billion para sa buwan ng Marso mula sa $2.8 bilyon sa parehong buwan noong 2022. Naobserbahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagtaas ng mga inbound money transfer mula sa parehong land-based at sea-based OFWs. […]