ANGELICA, desidido na talagang mag-retire sa paggawa ng teleserye; focus na lang sa movie at lovelife
- Published on March 8, 2021
- by @peoplesbalita
DESIDIDO na ang 33-year-old actress na si Angelica Panganiban na mag-retire na siya sa paggawa ng teleserye.
Noon pang September 2020 unang sinabi ang bagay na ito ni Angelica at inulit niya muli ngayon.
“Hindi iyon overnight decision,” sabi ni Angelica sa isang interview.
“Ilang taon ko rin iyong pinag-isipan. Noon ko pa tinatanong ang sarili ko, bakit ko pa ginagawa at pinapagod ang sarili ko? Naisip ko na six years old pa lamang ako, pinapagod ko na ang sarili ko, kaya natanong ko rin ang sarili ko, kelan ka titigil?”
Napakarami na ring nagawang TV shows and teleseryes si Angelica kaya siguro napapagod na rin siya.
“Hindi naman sa nawawalan na ako ng gana, kaya lang pwedeng dumating na rin ako dun sa oras na hindi ko na gusto ang ginagawa ko, at iisipin ng mga manonood na nilalaro ko na lamang ang character ko kasi ayaw ko na.
“Siguro ngayon, naibigay ko na ang 100 percent ng kaya kong gawin sa mga teleserye, sa bawat character na gampanan ko. Kaya ibibigay ko na sa mga susunod na artista sa akin ang mga nagawa ko nang roles.”
Sa ngayon, gusto raw ni Angelica na gumawa na lamang ng movies, tulad ng ginawa niya with Coco Martin, ang Love or Money.
Hindi kaya gusto na ring mag-concentrate ni Angelica sa kanyang lovelife, sa non-showbiz boyfriend niyang si Gregg Homan, a businessman from Subic, Zambales?
***
KASUNDO lahat ni Gabby Concepcion ang cast ng romantic-comedy series na First Yaya, simula pa sa lock-in taping nila ng serye sa San Fernando, La Union.
At lalo niyang kasundo ang first time na leading lady na si Sanya Lopez.
Bukod sa naging solid ang samahan ng buong cast ng serye, nakita ni Gabby kay Sanya na madali itong pakisamahan at hindi naging mahirap ang adjustment niya para sa role, na isa ngang yaya ang actress.
“Mapagmahal siya sa kapwa, madali siyang barkadahin. At saka marami siya laging dalang pagkain sa set.
“Nakakatuwang walang member ng cast na hindi ko kasundo, walang negative sa set namin, okay lahat.”
Ang gusto naman ng cast kay Gabby, “mahilig siyang magluto, lagi niya kaming tatanungin, ano ang gusto naming kainin, tapos magluluto na siya. Masarap siayng magluto, mahilig siyang mag-imbento ng lulutuin.”
Hindi na maiinip ang mga televiewers dahil mapapanood na simula sa March 15, ang First Yaya na may world premiere na sa GMA Telebabad, GMA-7.
***
INIP na ang mga fans at supporters ng bagong magka-love team na sina Julie Anne San Jose at David Licauco ng upcoming GTV series na Heartful Cafe, kaso next month pa pala, sa April, ang simula nito.
Feel daw ng mga fans na papatok ang team-up nila kaya tuwing may socmed post sila, lalo na iyong mga behind-the-scenes, napupuno ito ng magagandang comments.
At excited na raw silang mapanood sa kanilang TV screen ang ‘JulieVid.’ May chemistry raw ang dalawa at hindi ito maikakaila kahit sa mga photos pa lamang nila.
“She’s very nice, very talented,” sabi ni David.
“Hangang-hanga ako sa kanyang mood na from 8 AM hanggang sa last scene, ganoon pa rin siya, di ko siya nakita ever na sumimangot.” (NORA V. CALDERON)
-
Kai Sotto puwersadong magpakitang-gilas sa ensayo
SA UNANG ensayo pa lamang ng Orlando Magic para sa sasabakang NBA Summer League ay kailangan nang makapagpakita ng maganda si Pinoy center Kai Sotto. Ito ay matapos muling papirmahin ng Magic ang parehong 6-foot-11 na sina Mo Wagner at Goga Bitadze para sa kanilang frontline. Nagposte si Wagner ng mga averages na 10.5 points, […]
-
30 kompanya, pasok sa loan program ng DTI para sa 13th month pay
Aabot na sa 30 ang naaprubahang application sa loan program ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa 13th month pay ng mga empleyado. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nasa P500 million ang inilaan ng kanilang kagawaran para sa loan program na ito. Ang naturang halaga ay kayang makapagpautang […]
-
Ikinagulat din ni Direk Brillante ang pagsikat: COCO, walang character kaya gustong maglagay ng ‘scar’ sa mukha
UNANG pelikula ni Brillante Mendoza bilang direktor ang “Masahista” na first lead role naman ni Coco Martin noong 2005. Pero si Coco ay umiba ng landas at napunta sa mainstream movies at series. Si Direk Brillante ay nanatili sa paggawa ng indie film at itinuturing na pinakamahusay na indie film director ng kanyang henerasyon. Ano […]