ANJO, na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic
- Published on August 17, 2021
- by @peoplesbalita
KINUWENTO ng Kapuso hunk na si Anjo Damiles na na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic.
Ayon kay Anjo: “Ang hirap i-explain when it comes to mental health… suddenly it breaks you down. May point ako na nag-snap na lang po ako. Nawala ako sa tamang pag-iisip and it was sad to see na ganun.”
June 2020 noong makaranas ng mental health disorder si Anjo at sa tulong ng kanyang pamilya, psychiatrist, gamot at pananalig niya sa Diyos, unti-unting naging maayos ang pakiramdam niya.
“Naiiyak ako. Kasi ang hirap niyang i-explain, ang hirap niyang ikuwento. I never told this to anyone. Look up and pray. Always be thankful for what you have, for what is given to you,” sey pa niya.
May kinalaman daw ang biglang pagtigil niya sa trabaho pero nagpasalamat ang aktor dahil biglang dumating last year ang First Yaya kaya muli siyang nabuhayan sa kanyang career.
Nagsimula rin daw siya ng sariling food business at naging abala na rin siya sa online games para parati raw busy ang utak niya.
Payo pa ni Anjo sa mga dumaraan sa menth health disorder ay huwag kalimutan na ngumiti at maging masaya kahit madilim ang hinaharap ng buhay. Nakiusap naman siyang huwag husgahan ang mga taong nakararanas ng depression at anxiety. Mas makabubuti na tumulong at makinig sa mga taong may pinagdadaanang problema.
Napapanood rin si Anjo sa Daig Kayo Ng Lola Ko four-part series na Captain Barbie with Barbie Forteza and Jeric Gonzales.
(RUEL MENDOZA)
-
Kampo ni Robredo pag-aaralan ang social media reports, allegations
INIHAYAG ni Vice President at presidential candidate Leni Robredo na pinag-aaralan ng kanyang kampo ang mga ulat at alegasyon sa social media. Si Robredo, na kasunod ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may 14 na milyong boto laban sa 30 milyong boto ng huli, ay naglabas ng pahayag habang pinasalamatan niya […]
-
Para matugunan ang malnutrition at pagkabansot sa mga batang pinoy: PBBM sa DoH: Itulak ang healthier food options
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) na itulak ang ‘healthier food options’ upang matugunan ang malnutrition at pagka-bansot sa mga Filipino. Sa katunayan, nakipagpulong ang Pangulo sa mga DOH Executive at iba pang opisyal kaugnay sa alalahanin ng departamento sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng martes. […]
-
P500 HAZARD PAY SA MGA EMPLEYADO NG MANILA CITY HALL
MAKAKATANGGAP ng P500 kada araw na hazard pay ang lahat ng city employee ng Maynila na nag report sa kanilang trabaho sa panahon nh enhanced community quarantine (ECQ) Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ,ito ay iyong nagsipag report na empleyado mula Marso 17 hanggang Mayo 15,2020. Nabatid na ipinasa ng […]