• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Año in, Carlos out bilang National Security Adviser

OPISYAL nang nanumpa sa tungkulin si dating DILG Secretary Eduardo Año bilang bagong National Security Adviser. 
Sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nanumpa sa kanyang tungkulin si Año sa Palasyo ng Malakanyang.
Pinalitan ni  Año si Professor Clarita Carlos na nagdesisyon na ipagpatuloy ang kanyang hangarin na scholastic endeavors nang sumama sya sa  Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ang CPBRD ang nagbibigay sa House of Representatives ng technical service pagdating sa formulation ng national economic, fiscal, at social policies.
Samantala, sinabi naman ni Carlos na “I have realized that it is no longer politic to continue as NSA to the President and so, I have decided to migrate to another agency where my expertise on foreign, defense and security policy will be of use and I shall continue to help build a Better Philippines.” (Daris Jose)
Other News
  • DTI, mahigpit na imo-monitor ang presyo ng bigas sa gitna ng pagpapataw ng price caps

    MAHIGPIT na imo-monitor ng  Department of Trade and Industry (DTI) ang  retail prices ng bigas sa gitna ng  price ceilings para sa mga pangunahing pagkain sa buong bansa.     “We acknowledge the need to take immediate action on the rising prices of rice in the market. Relatedly, imposing strict monitoring of its price and […]

  • PSC inilabas na ang P3.3-M pondo para sa lalahok ng Beijing Winter Olympics

    INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang paglabas ng P3.3 milyon para sa mga lalahok sa Beijing Winter Olympics na magsisimula sa Pebrero 4.     Kinumpirma ito ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na siyang nag-request ng pondo.     Tanging si Filipino-Americna alpine skier Asa Miller ang nag-iisang manlalaro ng bansa […]

  • PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang nasa 60 persons who used drugs

    PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang nasa 60 persons who used drugs (PWUDs) na nagtapos sa Bidahan, ang community-based treatment and rehabilitation program (CBDRP) ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagpapasya na talikuran nila ang kanilang bisyo at gumawa ng bagong buhay para sa kanilang sarili at kanilang pamilya. (Richard Mesa)