Año, umaasang ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang inisyatibo ng PNP
- Published on June 22, 2022
- by @peoplesbalita
UMAASA si Outgoing Interior Secretary Eduardo Año na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga programa na kanilang sinimulan sa loob ng Philippine National Police (PNP).
Kumpiyansa ang Kalihim na mapapanatili ng incoming government ang kanilang tagumpay.
Sa isang talumpati sa isinagawang flag-raising ceremony sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni Año na batid niya ang mga proyekto na kabilang sa prayoridad ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa kabila nito, sinabi niya na ang pagpapatuloy ng mga napagtagumpayan sa loob ng anim na taon sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay isa aniyang plus factor.
“Sa pagpapalit ng liderato, batid kong may mga prayoridad na isusulong at kailangang unang itaguyod ng mga uupo. Ngunit hiling ko na sana hindi iyun ang magiging hudyat na iwanan ang mga nasimulan ng administrasyong ito,” ayon kay Año sa nasabing programa na dinaluhan ng mga high-ranking officials ng PNP.
“Bagkus, sana ipagpatuloy ninyo ang anumang pinagsikapan nating abutin at patuloy na ipakitang karapat-dapat silang mapalawak at mapalawig pa sa mga susunod na taon. Towards that, I am confident that the current, future leaders of PNP will go great lengths in sustaining what we have achieved thus far,” dagdag na pahayag nito.
Hinikayat din ni Año ang kapulisan na tulungan at maging bukas na ipatupad ang mga programa na ilalatag ni Marcos Jr. at ang kanyang Interior secretary-designate, dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) head Benhur Abalos.
“Maging bukas pa rin tayo sa mga programa at pagbabagong ilalatag ng pamunuan ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at ang kanyang itinalagang Kalihim, Benhur Abalos. Hangad ko rin na maipakita at maipagkaloob ninyo sa kanila ang parehong respeto at suportang inialay ninyo sa aking pagkakaupo,” giit ni Año.
“In return, I am very optimistic that the incoming administration will also channel their backing and commitment to continually steer our beloved Philippines into safer, more peaceful and more progressive horizons,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Umabot sa higit 300K sa loob nang dalawang taon: ALMA, ‘di napigilang i-post ang photo ng kasambahay na nagnakaw
HINDI napigilan si Alma Concepcion na i-post sa kanyang Facebook account ang photo ng kanilang kasambahay na nagnakaw sa kanila. Ayon sa former beauty queen, napaamin niya ang kasambahay sa ginawa nito sa kanyang pamilya. Sa ginawang pag-iimbestiga ni Alma, dalawang taon na raw silang pinagnanakawan ng kanilang kasambahay. Umabot daw […]
-
Ads February 21, 2024
-
VP Sara, nagbukas ng 6 OVP satellite offices
NAGBUKAS ang Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte – Carpio ng anim na satellite offices sa buong bansa. Sa isang Facebook post nitong Sabado ng gabi, sinabi ni Duterte-Carpio na ang OVP satellite offices ay matatagpuan sa Dagupan City, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, at Tandag sa […]