• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANTI-RED TAPE AUTHORITY (ARTA) PINARANGALAN ANG QC

PINARANGALAN ng Anti Red Tape Authority o ARTA ang pamahalaang lokal ng Quezon City sabay sa ika-limang anibersaryo ng ahensya.

 

 

Layon ng Accelerating Reforms for Improved Service and Efficiency Awards (ARISE) na kilalanin ang mga natatanging local government units sa kanilang pagpapatupad ng Ease of Doing Business Law.

 

Isa ang Quezon City sa mga lungsod na pinarangalan para sa Compliance with the Electronic One Stop Shop (eBOSS) Requirement.

 

Ang parangal ay tinanggap nila QC Business Permits and Licensing Department chief Ms. Ma. Margarita Santos at QC Department of Building Official chief Engr. Isagani Versoza.
The ARTA shares its accomplishments and goals with its stakeholders, and recognizes the valuable contributions of the Agency’s partners from the public and private sectors in the implementation of its national policy on anti-red tape and ease of doing business in the country.

 

Sa pagtitipon ay inihayag ng ARTA ang kanilang mga accomplishment at mga plano at kinilala ang partisipasyon ng kanilang mga partner mula sa pribado at public sector sa pagpapatupad nila ng polisiyang anti-red tape at ease of doing business.

 

Nakiisa rin sina Executive Secretary Lucas Bersamin upang ihayag ang mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ibat-ibang embahada sa bansa, privare sector representatives, at mga kinatawan ng mga ahensyang ka-partner ng ARTA. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • PDu30, itinalaga si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response

    OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response.   Ito’y batay na rin sa mga larawan na ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Biyernes.   Kasama ni Dizon ang kanyang pamilya na nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte, araw ng Martes.   Ang appointment ni Dizon ay […]

  • Sinovac vaccines maaaring iturok kay PDu30 para sa second dose

    Posible na ang coronavirus disease (COVID-19) vaccine na gawa ng Sinovac Biotech ang gagamitin para sa second dose ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sakali na mabigo ang Sinopharm na makakuha ng approval mula sa mga health regulators.     Sinabi ito ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Department of Science and Technology’s Vaccine Expert Panel […]

  • Ikinumpara ni Vivian sa mamahaling designer outfit ni Heart: MARIS, ipinagmalaki na nakarating sa New York ang kanyang ukay-ukay

    KINAGILIWAN ng mga netizens ang latest IG post ni Maris Racal na kung saan ang OOTD niyang white little dress ay nabili niya sa ukay-ukay.     Caption ni Maris sa kanyang larawan na kuha sa New York City, “My ukay ukay dress made it to nyc.”     Dahil sa ginawa niya, marami talagang […]