Anti-terror bill, pirmado na nila Sotto, Cayetano
- Published on June 10, 2020
- by @peoplesbalita
Ipinadala na sa Malakanyang kahapon, Hunyo 9, Martes ang panukalang Anti-Terrorism Act, ayon ito kay Senate President Vicente Sotto II .
Kinumpirma nitong pinirmahan na niya ang panukala. Maging si House Speaker Alan Peter Cayetano ay lumagda na rin kagabi.
“Alan signed last night. Sending it to President Rodrigo Roa Duterte this morning,” ani Sotto sa isang mensahe.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Sotto na “as good as passed” ang kontrobersiyal na panukala matapos itong sertipikahang urgent ni Pangulong Duterte.
Tinanggap ng Kamara ang bersyon ng Senado ng panukala at inaprubahan ito sa ikatlo at panghuling pagbasa noong Hunyo 3.
“The DOJ can interfere by advising the President to veto the bill altogether because, remember, this is not a revenue measure nor it is a budget measure, so there is no line item veto here,” ani Lacson.
“It’s either the President vetoes the bill in whole, not in part, or he approves it,” dagdag pa niya. (Daris Jose)
-
Motorista inabisuhan ng CAVITEX sa toll pay hike simula sa Mayo 12
NAG-ABISO ngayon sa mga motorista sa Metro Manila ang kompaniyang CAVITEX Infrastructure Corp. na ipapatupad na simula sa Huwebes, Mayo 12 ang pagtataas ng toll rates sa CAVITEX Paranaque toll plaza. Ayon sa kompaniya inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll pay hike kasunod nang pagpapatupad din ng mga pagbabago at […]
-
BATAS para sa MOTORCYCLE-TAXIs at DELIVERIES NAPAPANAHON NA!
MAHALAGANG bahagi na ng transportasyon ang mga motorcycle-taxis at deliveries. At napapanahon na para magkaroon ng batas para sa ligtas at epektibong serbisyo nito sa tao. Sa kasalukuyan ay pinapayagan ng DOTr ang motorcycle-taxis sa ilalim ng tinatawag na pilot-test run. Pero sa Kongreso ay may pumasa nang Panukalang Batas para sa regulasyon […]
-
SUSPEK SA PAGPATAY SA SCAVENGER, ARESTADO
ARESTADO sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng MPD-Station 1 ang tatlong suspek sa pagpatay sa isang 15 anyos na scavenger sa Tondo,Maynila . Ayon kay MPD-PIO P/Major Philipp Ines, MPD-PIO, kasong murder ang kinakaharap ngayon ng mga suspek na sina Ellan Crisostomo,22, miyembro ng Commando gang; John Andrey Villanueva,21 at si […]