• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Antibody testing sa NBA, ipatutupad

Upang masiguro na walang palpak sa ginagawang coronavirus testing, idinagdag ng National Basketball Association (NBA) sa kanilang mahigpit na health protocols ang antibody testing bago muling magsimula ang liga.

 

Ayon sa NBA, ang dead coronavirus cells ay made-detect din sa COVID-19 testing at maglalabas ito ng positive result dahilan para hindi paglaruin ang isang player at ilagay sa quarantine.

 

Kung magkakaroon muna ng test para sa antibody, matutulungan nitong malaman kung ang manlalaro ay asymptomatic o dati nang gumaling mula sa COVID virus disease.

 

Nag-aalala umano ang NBA sa mga false positive test  ng manlalaro, lalo na sa mga star player habang papalapit ang playoffs.

 

Bumuo ang liga ng 22 teams na maglalaro sa central Florida, sa muling pagbubukas ng liga sa July 30, na maglalaro ng tig-eight regular-season games, papuntang playoffs na bubuin ng 16 teams.

 

Unang sasabak sa laro sa ESPN Wide World of Sports Complex ang Utah Jazz kontra New Orleans Pelicans at susundan nang salpukan ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.

 

Sa inilabas na memo may apat na steps na dapat kompletuhin bago payagang maglaro ang isang team.
Una, kailangan ng 14 days bago payagang muling maglaro ang nagpositibo sa virus. Pangalawa, kailangan ng manlalaro ang dalawang negative test sa loob ng 24-hour period. Pangatlo, kailangan dumaan sa antibody test ang manlalaro sa loob ng 30 days at ang pang-huli dapat magkaroon ng negative na coronavirus test bago makisalamuha at magkaroon ng physical contact sa iba.

 

Ayon sa ulat, ang lahat ng resulta ay nire-review ng infectious disease expert at epidemiologist  na nagtatrabaho sa NBA at sa players’ association ng liga

Other News
  • Naihatid na sa huling hantungan: Huling gabi ni JOVIT, nagmistulang concert dahil sa mga local bands

    INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang kauna-unahang grand champion ng ‘Pilipinas Got Talent’ na si Jovit Baldovino sa kanyang bayan sa Batangas, City. Nasa huling gabi nito ang tumatayong manager niya na si Jerry Telan at gayundin si Elena dela Vega hanggang sa libing ng mahusay na singer. Kaya na-witness nila ang mga parangal […]

  • DOJ, inatasan ni PDu30 na inimbestigahan ang korapsyon sa buong gobyerno

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte InterAgency Task Force led sa pangunguna ni Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ang korapsyon sa buong pamahalaan.   Ipinag-utos din ng Pangulo sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   “It behooves upon me to see to it […]

  • Ads June 8, 2021