• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANYARE sa JEEP? ANGKAS may PAG-ASA BANG PAYAGAN?

Kamakailan ay naimbitahan ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng Quezon City anti-corruption committee chairman, Jano Orate, upang pangunahan ang pagbibigay ng ayuda sa mga jeepney drivers na nakatira sa UP Campus sa QC.

 

Kasama si Kapitana Zeny Lectura. Ang mga beneficiaries ay ilan sa mga jeepney drivers na napilitan nang mamalimos sa lansangan dahil higit 100 araw na silang walang pasada at walang kita. Sagad na sa pagtitiis at gutom na ang kanilang mga pamilya. Kahilingan nila ay makapasada na.

 

Ang pinayagan lang kasi ng DoTR sa ngayon ay ang kanilang tinatawag na “modernized jeeps” na gawa ng banyaga o imported. Kung tutuusin ay mini-bus o coaster type naman ang mga ito at hindi naman jeepney.

 

Mas bulgar nga ang tawag ni DFA Sec. Teddyboy Locsin sa mga ito na para raw “inflated condoms” ang itsura. Sabi rin ni Sec. Locsin, dapat nga payagan na ang mga iconic jeeps na pumasada.

 

Nangako naman ang DoTR na pag-aaralan pa rin nila kung papayagan na nga ang mga ito.

 

Ano ba talaga ang dahilan na ayaw pa payagan! Mapanganib ba ang sumakay sa mga tradisyonal na jeep sa ngayon?

 

Ayon sa ilang eksperto mas mapanganib nga ang hawaan sa mga kulong na sasakyan tulad ng mga mukhang ‘inflated condoms’ kaysa sa open air na mga sasakyan.

 

Kaya rin naman ipatupad sa mga jeeps ang social-distancing o physical distancing ng mga pasahero dahil pwede lagyan ng plastic dividers sa pagitan ng mga nakasakay.

 

Matagal na rin ginagawa ng mga jeeps na bago pa man sumakay ay nagbabayad na ang mga tao sa terminal pa lang para bawas sa physical contacts. At yung mga paglagay ng foot bath at alkohol ay hindi naman mahirap ipatupad.

 

Mas mahal ang pasahe sa mga mukhang “inflated condons” – P11 pesos samantalang sa traditional na jeep ay P9 pesos lang.  Para sa LCSP mas mainam na payagan pareho na makapasada. Kulang ang public transportation kaya hirap makasakay ang mga pasahero.

 

Sana kung ano ang tangkilikin ng pasahero ay nasa kanila na yun, sila ang dapat magdesisyon at hindi tama na tanggalan sila ng pagpipilian. Pero teka bakit mga bus na ang pumapasada ngayon sa mga ruta ng jeep?

 

Ang nangyari tuloy, ilang lokal opisyales ang nagrereklamo dahil daw hindi sila kinunsulta.  Sa motorcycle-taxis naman – may report na raw na sinumite ang Motorcycle-taxi Technical Working Group sa Kongreso tungkol sa isyu na papayagan ba ang service na ito o hindi. April 14 daw kasi nagtapos ang pilot-run kaya depende sa Kongreso kung papayagan bumalik sa kalye ang mga app-based motorcycle-for-hire.

 

Sumulat na ang inyong lingcod kay Cong. Edgar Mary Sarmiento, ang pinuno ng Technical Working Group sa House of Representatives at humihingi tayo ng kopya ng report kung meron nga ba. Isinusulong ng ilang mambabatas na payagan na ang motorcycles-for-hire para sa mga tumatangkilik ng serbisyong ito basta lang masusunod ang health protocols.

 

Marahil ay importante itanong sa mga health experts ang mga protocol na ito.  Isyu dito ang social distancing at pag-gamit ng helmet.

 

Ang helmet kaya ay maaring ma-disinfect kada gamit at malagyan ng plastic cover na proteksyon sa ulo sa loob?  Mga readers ano po ang tingin nyo? (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • ALFRED, inaming malaking challenge na tapusin ang master’s degree; tinupad ang pangako sa namayapang ina

    NAKATSIKA namin si Congressman Alfred Vargas via a zoom presscon last Sunday, a few hours after ng virtual graduation niya from UP National College of Public Administration and Governance or NCPAG where he took up a master’s degree in public administration.     Ayon kay Alfred, malaking challenge na tapusin ang kanyang master’s degree dahil […]

  • Obiena umaasang muling makakasama sa Philippine team

    SA pagbabago ng liderato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ay umaasa si World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena na muli siyang mapapasama sa national team.     Nagbitiw si Philip Ella Juico sa kanyang puwesto bilang PATAFA president noong Hunyo para tutukan ang ‘personal and business interests’ niya at pinalitan […]

  • Pulong nina US VP Harris at PBBM nakatutok sa pagpapalawak sa security alliance, economic relationship

    TATALAKAYIN din sa pulong nina Marcos Jr. at Harris ang paninindigan kaugnay sa international rules lalo na ang freedom of navigation.     Siniguro din ng US Embassy ang commitment ng US Vice President na makipag tulungan ito sa Pilipinas para palawakin pa ang economic partnership and investment tries ng dalawang bansa.     Umaasa […]